"Matagal ng walang tumitira sa bahay na yan" sabi ni Roel sa kaibigan nitong tanong ng tanong kung sino ang may-ari ng lumang bahay.
"Eh. bakit nga iniwan jan yan ng may-ari? may mga multo ba jan?" tanong naman ni Joshua (kaibigan ni Roel)
"Okay, kasi ganito yan. May mag-asawang parating nag-aaway, sinusuntok at binubog-bog ng lalaki yung asawa niya kasi ang sabi nito, may kaluguyo daw yung babae. Ngayon, isang araw, habang pauwi na ang lalaki, may naririnig siyang ingay sa loob ng bahay, parang lalaki at babaeng umuungol na para daw may ginagawang hindi maganda. Kaya naman, dali-daling pinasok ng lalaki ang bahay, giniba ang pintuan at pagpasok niya, yun!" pabitin na sabi ni Roel
"tapos? anong nangyari? bitin naman oh!" halatang bitin na bitin si Joshua
"bukas na ulit, para may maikwento na naman ako sayo, para hindi kana nagtatanong"
"sige ka, pag hindi mo ako sinagot, kukulitin talaga kita" pagbabantang sabi ni Joshua
"okay sige, lumapit ka dito sa akin, bubulong ko sayo, hali ka!" at pinalapit ni Roel si Joshua
At eto ang dinugtong ni Roel na binulong pa niya
"yun pala, radyo lang yung narinig na" sabay tawa ng malakas "hahahahahaha"
"kaw talaga! akala ko ano na, sira!" sabay suntok sa kaibigan.
Ngunit habang nagkukulitan ang dalawa, biglan natabig ni Roel and dalang sardinas ni Joshua at nahulog at gumulong ito patungo sa lumang bahay.
Nabalot ng takot ang dalawa, kaya walang sinong gustong lumapit sa lumang bahay pero kailangan talaga nilang kunin yung sardinas kaya naman naisipan nilang dalawa na mag jack en poy, kung sino ang talo siya ang maghahanap at kukuha ng sardinas.
"jack, en , poy!, jack en poy, jack en poy!"
at sa kasama-ang palad si Joshua ang natalo kaya siya ang naghanap ng sardinas.
Dahil nga sa wala ng tumitira sa bahay, hindi na nagtaka si Joshua na malago-lago na din ang damo sa may bakuran ng bahay, at dahil nga gabi na sa mga oras na yun, eh talagang natagalan siya sa paghahanap.
Mga ilang sandali palang ay, tinulungan na ni Roel si Joshua. Yuko kung yuko, para lang makita ang sardinas. Dahil sa paghahanap na yun, ay hindi na namalayan ni Joshua na andun na palan siya sa tapat ng pintuan ng lumang bahay. Naghahanap pa rin siya, pero mga ilang segundo lang ay nakita na niya ang sardinas.
Pupulutin sana niya ito, pero narinig niya na unti-unting bumukas ang pintuan ng bahay, nanlamig si Joshua, hindi siya makakilos, gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Habang patuloy naman sa paghahanap si Roel. At dahil nga nakatalikod si Joshua sa pintuan, hindi niya alam ang nangyayari sa likod. Mga ilang sandali palang ay, may naririnig si Joshua ng mga hakbang patungo sa kanya. "tik! tik! tik! tik!" palakas ito ng palakas. At dahil sa takot ay pumikit nalang si Joshua, habang nararamdaman niyang may parang matulis na malamig na bagay ang humahawag sa leeg niya. Palala ito ng palala . .
hanggang sa. . .
"Joshua! anong nangyayari sayo?" pag-alalang sabi ni Roel sa kaibigan
Biglan nata-uhan si Joshua kaya bigla niyang hinablot ang kaibigan at aga-agad na tumakbo at lumayo sa lumang bahay.
Hindi na nakapagsalita ng mga gabing iyon si Joshua, tulala at parang parating balisa. Kaya sa ikalawang pagkakataon ay tinanong siya ng kaibigan
BINABASA MO ANG
Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Mystery / Thriller5 Kabataan ang makakatuklas sa tunay na storya sa likod ng Isang Malagim na Gabi (. . .C.O.M.P.L.E.T.E.D. . .)