Habang nakatayo at naghihintay ng bus, isang mapanindig balahibo ang nasaksihan ni Rico sa isang sulok ng waiting shed. Isang mag-aaral na may dala-dalang kutsilyo na may bahid pa ng dugo. Kaya dali-daling sumakay si Rico sa bus para maiwasan niya ang mag-aaral na yun.
Habang tinitignan pa niya ng mabuti ang mag-aaral, bigla siyang nagulat ng may humawak sa balikat niya at sabay sabing "saan po kayo?". "Ah, sa terminal lang po ako ng Maramag" sagot naman ni Rico. Mga ilang sandali ay parang na naani-nag na ni Rico ang driver ng Bus, nakasoot ito ng itim habang ang mga kamay ay naka gloves din ng itim. Lumingon-lingon siya sa paligid at dun napansin ni Rico na itim pala ang kulay ng upuan, ding-ding at magin ang takip ng bus. "Ang Weird naman" sabi ni Rico sa sarili. "Hayaan ko na nga lang" dag-dag na sabi ni Rico sa sarili.
Mga 15 minutes na ang nakalipas ng may sumakay na estyudante na nakasoot ng nurse uniform, nakabigkis ang mga buhok, medyo kulot at may soot din na kwentas. Sa swerte ng kapalaran ni Rico ay, umupo yung babae sa tabi niya. At dahil maganda din ang babae, naglakas loob na si Rico na magtanon sa kanya "Ahmm, miss? saan ka ba nag-aaral?" tanong ni Rico sa katabi na babae, "ahh, sa CMU ako nag-aaral, 3rd year nursing student, kaw ba?" sagot ng babae kay Rico. "Ah, dun din kasi ako nag-aaral, engineering naman ang course ko, 3rd year student din. So, taga Maramag ka din?" tanong naman ni Rico sa kanya "Ah, sorry, bagong lipat lang kasi kami dito sa Bukidnon, sa pagkaka-alam ko hindi pa talaga sa Maramag, before ata? hehehe" parang pabirong sabi ng babae. "Ahmm, ako pala si Charry, diba ang weird ng bus? kahit nga ang kurtina ay black din ang kulay, and you know what, pag-akyat ko sa may hagdanan, may nalagpasan akong 4 na estyudante din pero ang nakakapagtaka, pag-akyat ko parang yung lalamunin nila ako ng buo? yung parang gusto akong patayin?" pag-alalang sabi ng babae, "ano ka ba, baka nagagandahan lang sila sayo, o siguro nagtataka dahil oh, tignan mo ang oras, mag aalas 9 na ng gabi" pakalmang sabi ni Rico kay Charry. "siguro nga, tama ka jan pero ang weird talaga at parang nakakakilabot itong bus na'to!" .
Ilang sandali ang lumipas, ay nakarating na si Charry, so she gave respect to Rico na sabay sabing "Sige huh? dito nalang ako, kaw mag-iingat ka, 6 lang tayong pasahero dito" "Okay sige na, wag mo na akong takutin, thanks for your time Charry" paalam ni Rico sa kanya. In less than 10 minutes ay nakarating na din si Rico at agad-agad na nagbayad at bumaba, pero nagtataka siya dahil binigyan siya ng ticket ng konduktor pero hindi siya pinagbayad. Promo daw ng Bus nila, kaya naman pagka-umaga, tinext ni Rico lahat ng mga kaibigan niya na doon sa bus sumakay pero narealize niya, walang pangalan ang bus, at kahit sa ticket nito, destination lang ang meron walang bus name kaya hindi nalang niya tinuloy ang pagtext.
Alas 9 na umaga, dali-daling nagbihis si Rico para pumasok, sumakay siya ng bus, at hinintay na lumakad ito. Habang papuntang universtiy campus, ay biglang nakatraffic sa daan, tinignan ni Rico kung ano ang nangyayari "yun pala! marami palang tao ang nagkukumpulan, ano bang meron?" at dahil hindi nga makausad ang bus na sinasakyang ni Rico, ay minabuti nalang niyang tingnan kung ano ang ginagawa ng mga tao. "manong, ano ho ba ang nangyari? bakit ang raming tao dun?" tanong ni Rico sa isang lalaking papunta sa kanyang direksyon "ah! yun ba? may babae kasi dun, nursing student ata? nakabulagta sa may tabi ng daan, nakakasuka nga dahil patay na yung babae at sinaksak pa ang lalamunan" sabi ng lalaki sa kanya. "Ah ganun po ba? maraming salamat po" at dali-daling tinakbo ni Rico kung sinong babae ba yun.
Habang papalapit na siya, ay nakita na naman ni Rico ang lalaki sa may gilid ng malaking puno, hawak-hawak parin ang kutsilyo, hindi masyadong makita ni Rico ang itsura nito dahil nga malayo, nasagid siya ng kaunti kaya nalimpungatan siya. At ng, binalikan niya ng tingin ay, wala na dun ang estyudante. Nilapitan na ni Rico ng tuluyan ang pinatay na estyudante, at laking gulat niya dahil ang nakabulagta at walang buhay na nurse student ay si Charry pala. Nasuka si Rico at umalis na kaagad sa crime scene, agad siyang bumalik sa bus at umupo. Iniisip niya kung ano ang nangyari kay Charry.
Pangalawang gabi na nakauwi si Rico ng parehong oras. Parehong pangyayari na naganap nung unang gabing nakilala niya si Charry. Pero ng hindi pa umaabot ang 5 minutos ay biglang may pumara na naman na isang estuydante. Hindi naka uniform pero makikita talaga na estyudante siya dahil sa ID nito. Umupo ang lalaking estyudante sa may tabi ng inuupuan niya. Ilang sandali palang ay, lumipat yung lalaki sa may likuran, sa may dulo ng bus. Panay tingin ng lalaki sa bus, halatang nagtataka din ito, kaya naman, pinutahan ito ni Rico at kinausap "dude CMU ka din?" pa-unang tanong ni Rico "oo, kaw din no? alam mo kinakilabotan ako sa bus nato, parang hindi magandang sakyan" takot na sagot ng lalaki "oo nga no? alam mo 2nd time ko na itong sumakay dito, pero kagabi 6 lang kaming pasahero" kampanteng sagot nr Rico. "Ah ganun ba? pero ngayon, parang 7 na tayo? tignan mo, may 4 dun sa may pintuan ng bus, tapos isa dun, sa may harapan, parang nurse ata"bahagyang tumindig si Rico para tignan, "oo nga, nurse yata talaga, may puti kasi sa ulo, hehehe" pabirong sagot naman ni Rico.
Lumipas ang halos 30 minutes nga sinabi ng kausap ni Rico na baba na siya. Habang pababa ay nakita ni Rico na nagbayad ang lalaki, kaya hinanda na niya ang kanyang pambayad. Pero ng pababa na siya at i-aabot na sana ang pera, ay tinanggihan ito na koduktor at sabay sabing "sir, promo kasi ng kompanya" nagtaka si Rico "eh bakit yung lalaking kausap ko kanina pinagbayad niyo?" pagtatakang tanong ni Rico "ah siya po ba? eh kasi huling pasahero ka po namin, so ikaw lang po ang bibigyan namin ng promo" sago ng konduktor sa kanya. "ah, swerte ko naman sige salamat po" tuwang-tuwang sabi ni Rico. Agad siyang bumaba at agad ding umandar ang bus "sa uulitin po" ang sabit ng konduktor habang pa-alis na ito.
Masayang umuwi si Rico, kumain ng hapunan at humiga. Pagkahiga niya, at parang may nahiga-an siyang basang papel. Kaya bumangon siya at kinuha ito, nanlaki ang mga mata niya dahil ito pala ang ticket ng bus pero may bahid na ng dugo. Bumangon siya at dali-dali itong tinapon sa may basurahan. "bakit kaya may dugo yun? eh wala namang dugo itong likod ko?" tanong ni Rico sa sarili. "teka nga, diba ang sabi ng konduktor, wala akong bayad dahil huling pasahero nila ako, pero may 5 pang estyudante doon, teka nga, ano ban ang meron yung black bus na yun?" biglang kinalibutan si Rico at dali-dali itong tumakbo sa kwarto niya at natulog.
Kina-umagahan habang naghahanda si Rico para pumasok, may narinig siyang usap-usapan na may pinatay na namang estyudante. Kaya binilisan ni Rico ang kilos, umalis siya agad ng bahay at nag-abang ng bus. Pagkadating ng bus, ay swerteng puno na rin ito kaya umalis na kaagad. Sa may upuan niya sa bandang likod, naririnig niya na from CMU daw ang pinatay at saksak sa lalamunan daw ang kinamatay. Biglang kinabahan si Rico baka yung lalaking nakilala niya sa bus kagabi yung estyudanteng sinasabi nila. Nagkaroon ng bahagyang traffic, kaya imbis na bumaba si Rico ay naupo nalang siya at iniisip kung ano na ang nangyayari sa kanya. Umandar na ang bus, at sa hindi ina-asahang pangyayari, tumirk ang sinasakyang bus ni Rico sa harap ng mismong pinatay. Nakadungaw si Rico sa may bintana at nanlumo siya sa kanyang nakita. Ang lalaki palang nakausap at nakasama niya nung isang gabi. At kung paano pinatay si Charry ay ganun din pinatay ang lalaki. Binaling ng tingin ni Rico ang sarili kaya dun sa kabila siya tumingin pero lagin gulat niya dahil andun na naman ang estyudanteng may dalang kutsilyo. Tumayo siya at pinilit na tignan kaso nga lang may mga pasahero din nakaupo kaya pinabuti nalang niyang umupo ulit.
Pagdating sa skwelahan, ay agad-agad na ikinwento ni Rico ang kanyang karanasan sa Bestfriend nitong si Jake. Nung una, tinatawanan lang siya ni Jake pero ng naglaon ay parang naniniwala na din si Jake sa kanya. Kaya pinabuti ni Jake na samahan si Rico na sumakay sa black bus.
Dumating na ang gabi, at hinihintay na ni Jake at Rico ang bus, may napansing lalaki si Jake sa may bandang likuran nila, dahan-dahan siyang tumalikod para tignan, pero laking gulat niyang. . . .
+++++++++++++++
BINABASA MO ANG
Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Mystery / Thriller5 Kabataan ang makakatuklas sa tunay na storya sa likod ng Isang Malagim na Gabi (. . .C.O.M.P.L.E.T.E.D. . .)