✦ ◉ •
𝙔𝙊𝙐 𝘼𝙍𝙀 𝙉𝙊𝙒 𝙎𝙏𝙍𝙀𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀!▬▬▬▬▬▬▬
── ♡├o JAVATahimik kong inuusisa ang litrato sa mesa.
Sampung litrato namin.
Sampung polaroid.
Hula ko ay tig-iisa kami sa mga ito.
"Saan diyan ang iyo?" tanong ni Claude na kapareha ko. Kaming dalawa lang ang nasa kwarto. Pinaghiwalay kaming sampu. At kung tama ang hula ko, pinagsama ang magkakapareha.
"Hindi ko sasabihin..." sabi ko, pero oo, nakita ko ang akin.
"Ako eto." sabi niya saka tinuro ang isang litrato.
Naguluhan ako.
"Sa'yo yan?"
Tumango si Claude.
"Ano kwento ng litratong 'yan?"
"Patay na ang nasa litrato."
"Oh." Natigilan ako.
"Ikaw ba....?" putol sa ere kong tanong.
Tumigil si Claude saka ngumiti.
"Hindi ko sasabihin." sagot niya, ginaya niya ang sagot ko sa kanya kanina. Tss. Walang originality.
"Kilala ko ang litrato ng iba..." pag-amin ko matapos ang mahabang katahimikan.
"Alam ko. Kaya nga ikaw ang tinanong noong lalaking nakamaskara bago tayo mapunta dito. I know you know something." sabi ni Claude saka umupo sa lapag.
"Madami ba, Java?" tanong niya, seryoso ang boses niya.
Hindi ako sumagot.
"Kilala mo naman na siguro kung sino ang isa..." sabi ko.
"May kilala ako. Pero sino ang iba? Siya lang ba?"
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam kung parehas tayo ng tinutukoy pero halata namang higit sa isa."
"Paano kung lahat pala tayo?" biglang niyang tanong.
Agad ko siyang tiningnan...
Seryoso ang mukha niya. I'm now confused.
"May napatay ka ba, Claude?" tanong ko tuloy.
He went silent and shrugged his shoulder.
"Hindi ko sasabihin, Java."
"Tss. Gaya-gaya."
"Ikaw ba meron na?"
Umirap ako.
"Hindi ko sasabihin, Claude."
Natawa siya saka may itinaas na polaroid picture. That picture. I definitely know who owns that.
BINABASA MO ANG
DOLLHOUSE
غموض / إثارةTen missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it strange? It is the live broadcast of the missing teenagers trapped and being secretly filmed inside a man...