"Bakit parang iniiwasan nila ko?""H-huh? Hindi ah. Akala mo lang siguro."
"Hindi. Ilang araw ko na silang napapansin na naiwas sa'kin. May nagawa ba kong mali?"
"Nago-overthink ka na naman, Babe."
"Hmm. Hindi eh. Si Gunner din hindi ako kinakausap ilang araw na. Ang lamig na naman niya sa'kin. Something's wrong. Bakit ayaw nila sabihin sa'kin?"
"Hindi nga sabi. Sadyang busy lang siguro lahat. Alam mo naman din si Gunner, parang babae 'yon na may mood swings. Minsan malambing, madalas beastmode. Buti nga napaamo mo ang lalaking 'yon."
"I think I'm making him worse, Dorothy. Lagi na lang siyang napapaaway sa'kin."
"Ang dami kasing lalaking papansin sa'yo. Bakod na bakod ka na din ni Claude at Alpha. Pasaway mga epal mong manliligaw. Hindi ba nila maintindihan na kayo na ni Gunner?"
"Ewan ko ba. Inaasar din nila ata si Gunner. Anong oras na nga pala?"
"It's already 4:44pm. Why?"
"Ah. May lesson kami ni Prof."
"Si Prof. Azazel na naman ba 'to?"
"Oo.... Bakit?"
"Ewan ko lang ha... Pero simula noong nagkaroon ka ng after class tutorial lessons, lagi na lang kitang nakikitang matamlay."
"Ahh... Haha... Sadyang stress lang ako sa lessons. I don't want to fail my grades. Hindi ako matalino gaya ni Hera. 'Yong tulad ko, kailangan dobleng aral ang gagawin."
"I get it. Pero bakit inaabot naman kayo lagi ng gabi? Minsan umaga ka na din nauwi."
"M-madami kasing lesson. Kulang sa... kulang sa oras."
▬▬▬▬▬▬▬✦ ◉ •
𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝘽𝙖𝙘𝙠 𝙩𝙤
𝘿𝙤𝙡𝙡𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚── ♡├o BABE
Niyakap ni Flame si Gunner.Biglang napatingin sa'kin si Dorothy. I flashed a small smile and looked away from the two. I know, Dorothy. Matagal ko ng alam ang kay Flame...
"Aww." sabi ng pusa sa screen. Matabang ko 'yon tiningnan. Whoever that guy behind the mask is, he's a psycho.
"Dolls, let's cut the drama and continue the game." he said. Napalunok ako saka napatingin sa mga ahas sa game. We're not going to survive this game.
"Bakit mo pa itutuloy eh umamin na nga ako?!" sigaw na naman ni Gunner. Flame is now whispering something to him. I don't know. We can't hear it. Baka pinapakalma niya si Gunner.
"Doll Seven, if you are the killer, then you are not alone." natatawang sabi ng pusa. "If you want, you can point the rest of the killers and I'll stop the game."
Natahimik lahat.
Napalunok si Gunner.
"Come on. Point someone." sabi ng pusa. "Take the killers with you and the rest will be saved."
Nakaabang kaming lahat kay Gunner. Napamura na naman siya habang nakatingin sa screen. Then the unexpected happened. He raised his hand and pointed someone. Namutla ang lahat. May itinuro siya. No way.
Tinuro niya si Ichiro.
"Kuya Ichi..."
Ichiro's face remained blank. Tinaasan niya lang ng kilay si Gunner saka humarap nalang sa screen.
BINABASA MO ANG
DOLLHOUSE
Mystery / ThrillerTen missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it strange? It is the live broadcast of the missing teenagers trapped and being secretly filmed inside a man...