Dollhouse 078

141K 6.6K 41.1K
                                    

  
 
EPILOGUE

Seryoso siyang humithit at bumuga ng usok habang pinapanood ang mga tao niyang maglinis ng mga bangkay dahil sa kakatapos lang na laro. Blood is everywhere again. His new carpets were stained with fresh blood. Nakakalat sa lugar ang iba't-ibang parte ng katawan. Irita niyang sinipa ang naliligaw na ulo na tila nakatingin sa kanya.


"Tsk."

Sa likod niya ay ang tao niya na tinatahi ang likod niyang hiniwa ng bagong nanalo. Naagos ang dugo niya sa likod pababa sa kanyang itim na pantalon. Nagkatinginan ang dalawang tao niya na nagtatahi. He's bleeding really bad.

"Peter, ayaw mo ng anesthesia?" tanong ng tao niya.

Umiling siya.

"Tuloy mo lang," sagot niya saka binato ang upos ng sigarilyo na agad din dinampot ng mga tao niyang naglilinis ng madumi at duguang bahay. Ang kalat ng paligid. Naiirita ang mata niya. Ayaw na niya ng bahay na 'to. Gusto na ulit niya ng bago.

"Bakit mo inubos ang manlalaro? Ang sabi mo bubuhayin mo sila? Bakit mo pinatay lahat?" tanong ng bagong dating, ang lalaking may suot ng maskarang panakot sa mga uwak.

"Gusto ko lang," tipid niyang sagot.

Napansin ng kausap niya ang pagtahi ng kanyang mga tao sa kanyang likod na nagdudugo. Napatango na lang ito. Mukhang napuno na naman si Pedro. Lagi na lang siyang sinasaksak sa likod ng mga taong gusto niyang tulungan.

"Sunugin lahat ng katawan. Gawin niyong abo. Ayoko ng kalat," asar niyang utos saka pumikit. He's been awake for almost a month because of the latest game. Dalawang oras lang ang kadalasan niyang tulog kakabantay ng mga naglalaro. The game was fun.  Everyone's dead. Yup. He definitely enjoyed it.

"May binatang dumating. Baka gusto mo tulungan," pagpapaalam ng lalaking nakamaskara sa kanya.

Not again, he thought.

"Matutuwa ba ko diyan?"

"I don't know. He just showed me a lot of pictures."

Napangiwi siya, "Pictures? Aanhin ko 'yon?"

Nakipagkita siya sa sinasabing binata na bagong dating. Naguluhan siya nang makita ang itsura nito na parang walang tulog gaya niya. Lubog ang mga mata nito at nangingitim dahil sa puyat. May dala itong bag na itim. Napatayo ang binata nang makita siyang pumasok sa kwarto na tanging isang mesa, isang ilaw, at dalawang upuan lang ang makikita.

"Ikaw po si---"

"Oo, ako ang hinahanap mo. Oo, nakakagulat kasi hindi ako matanda. Oo, ako ang may-ari ng mga bahay. Oo, ako ang pakay mo," tuloy-tuloy niyang sabi saka umupo sa tapat ng binata.

He receives the same reaction every single time. Hindi niya maintindihan kung bakit laging kinu-kwestyon ang identidad niya. May mga iba pa na hindi talaga naniniwala. Akala ng karamihan ay matanda na siya dahil sa balitang ilang taon na niya 'tong ginagawa. Ang problema, hindi nila natanong sa sarili kung anong edad ba talaga siya nagsimula.

Nilatag ng bisita sa harap niya ang mga litrato. Burning house, old man, two teenagers running, a short-haired girl smiling, broken skull, strange girl peeking outside the room, a random rated video and a hundred pictures more. He can sense that it's a case about a group of friends. Isa ang binatang kausap niya ngayon sa grupo kaya nagtataka siya.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon