Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it strange? It is the live broadcast of the missing teenagers trapped and being secretly filmed inside a man...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WELCOME BACK TO DOLLHOUSE
── ♡├o Update: Voting officially ended. Thank you so much for your participation.
Nagising akong naka suot na ulit ng dress na parang pang manika na naman. Napansin kong nakatux ulit ang mga lalaki at nakadress na kaming lahat na mga babae. Ang pinagtataka ko, malayo ako sa kanila.
Napakagat ako ng labi.
Sabi na nga ba...
Nandito kami sa isang malaking kwarto na puro unan at kutson. Literal na walang sementong makikita dahil maski ang lapag ay gawa sa kutson na puro pastel ang kulay. Kada tapak mo ay tila lulubog ang paa mo sa lambot ng mga unan. Gaya ng mga naunang kwarto, sobrang laki ng kinaroroonan namin ngayon. Puro tela, kurtina, unan, kutson, at cute na stuff toy ang makikita. Kulay pink, baby blue at cyan ang kulay ng buong paligid. Amoy candy din dito sa loob.