Dollhouse 069

70.8K 3.7K 9.8K
                                    

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬ THE FLASHBACK
CONTINUATION ▬▬
 


  
"Bakit parang iniiwasan nila ko?"

"H-huh? Hindi ah. Akala mo lang siguro."

"Hindi. Ilang araw ko na silang napapansin na naiwas sa'kin. May nagawa ba kong mali?"

"Nago-overthink ka na naman, Babe."

"Hmm. Hindi eh. Si Gunner din hindi ako kinakausap ilang araw na. Ang lamig na naman niya sa'kin. Something's wrong. Bakit ayaw nila sabihin sa'kin?"

"Hindi nga sabi. Sadyang busy lang siguro lahat. Alam mo naman din si Gunner, parang babae 'yon na may mood swings. Minsan malambing, madalas beastmode. Buti nga napaamo mo ang lalaking 'yon."

"I think I'm making him worse, Dorothy. Lagi na lang siyang napapaaway sa'kin."

"Ang dami kasing lalaking papansin sa'yo. Bakod na bakod ka na din ni Claude at Alpha. Pasaway mga epal mong manliligaw. Hindi ba nila maintindihan na kayo na ni Gunner?"

"Ewan ko ba. Inaasar din nila ata si Gunner. Anong oras na nga pala?"

"It's already 4:44pm. Why?"

"Ah. May lesson kami ni Prof."
 

SA HINDI KALAYUAN AY pinag-uusapan din sila Babe at Dorothy nila Hera at Flame. Masungit ang tingin ni Flame kay Babe. Malakas ang pagngatngat niya sa fishball na may partner na scramble sa sobrang inis.

"Tingnan mo, kinukuha na niya loob ni Dorothy. Mamaya si Java naman ang uutuin niya," bulong ni Flame habang nanguya.

Si Hera naman ay nalilito kung makikinig sa pinagsasabi ni Flame o kung bibili rin sa labas ng street food.

"Bawal ka sa street food, 'di ba?" tanong ni Hera.

Napairap si Flame. "Masarap ang bawal kaya siguro nasarapan si Babe kay Prof. Azazel."

"Ugh. Eww."

"I mean, what the fuck? Oo, matamis magsalita si Prof. Azazel. Oo, naging P.E. teacher siya dati at catchy ang muscles ng gago...."

'Catchy?'  isip-isip ni Hera habang nagra-rant si Flame.

"Oo, siya na pinaka-mabango at fresh na prof. Siya na rin pinaka-gwapong prof sa Lancaster, aminin na natin. Sige na. Pero bebe, professor mo 'yon eh. May pamilya 'yon eh! Eto namang prof na 'to, gago rin. Tinolerate pa si Babe. Punyeta," reklamo ni Flame saka napapadyak.

"You mentioned she likes older guys? Baka kaya niya nagustuhan si Azazel?"

"I mean, duh, Gunner. Tsaka pansinin mo lahat ng nanligaw sa kanya, ang pinapansin niya lang, puro mas matatanda. Hinahawaan niya ang iba nating school mate babae. Gusto na rin nila ma-thunders na. I don't know. It looks so weird to me. Liking men with a larger age gap is a trend, I guess?"

Hera shrugged. "Maturity habol ng iba."

Natawa si Flame saka umiling.

"Age doesn't guarantee maturity."

"Uhhm. Wait. Paano ko ba i-explain? Hmm," sandaling natahimik si Hera. "Flame, when I say mature, what I mean is goal-oriented, focused, has a firm belief, and well-mannered. Minsan kasi, mas maraming experience sa iba't-ibang bagay ang mas matatanda. Experiences taught them lessons that shaped their maturity. Pero sa sitwasyon ngayon, isa si Azazel sa patunay na hindi lahat ng matanda may pinagkatandaan."

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon