The Published Book

27.1K 876 357
                                    

Dear Glitches,

We made it! DOLLHOUSE is now officially published under Cloak - Pop Fiction by Summit Media. Available na po siya online at sa bookstores nationwide for only P225. Excited na 'kong maiuwi niyo ang Decagon, si Peter, ang mga Live Viewers (na laging sabog at nag-aaway sa comment section) pati na rin ang ibang characters na bumubuo sa Dollhouse (^з^)-☆!!

Eto na ang updated book cover ng Dollhouse pala omg. Salamat sa mga kasama kong nagpuyat kanina para sa book cover reveal (02.02.2024):

Oh 'di ba? Panalo ang book cover ( ✧Д✧) !!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oh 'di ba? Panalo ang book cover ( ✧Д✧) !!

DOLLHOUSE will always have a special place in my heart. Habang ine-edit 'yong manuscript, hindi ko maiwasan mapa-throwback sa mga sleepless nights noong binubuo ko pa 'yong plot ng story. Minsan natatawa ako mag-isa kapag may funny scenes, minsan naiiyak ako kapag may drama chuchu, tapos g na g din ako kapag pinagba-bardagul ko 'yung Decagon sa house at ang Live Viewers lol. Eksena ng pag-awat ko pa minsan sa mga readers na legit na nagtatalo sa comment section HAHAHAHAHA

Grabe ang part ng glitches sa pagbuo ng story na 'to. Aside kasi sa story itself noong ongoing pa, 'yung mga real comments talaga ng readers ang nagpa-excite sa'kin. 'Yong theories, 'yong kampihan, team a, team b, 'yong mga protection squad, tsaka I swear, mas lalo kong nakita as a writer 'yong iba't-ibang perspective and take ng readers sa iba't-ibang scenes ng story. Iba-iba kayo ng style ng pag-brainstorm kaya nachallenge talaga ako sa libro na 'to! (・ω・*)ー

It felt like I created this book with the readers which made it more special. I hope we can all relive the thrill and mystery of the Dollhouse once more with the Published version. Btw, super pretty ng book inside! Kuhang-kuha ni PopFic ang interactive app ng Dollhouse. Sana magustuhan niyo omg 🩷

"No Decagon left behind."

Kaya iuwi niyo na ang Dollhouse ͡° ͜ʖ ͡°

Let me know pala if nakita niyo ang Dollhouse book or kahit pati Deactivate sa kahit anong bookstores nationwide. Send me pics pls! Or tag me po para mas madali ko makita.

Thank you again, Glitches.
Mahal ko kayo. Sobra-sobra.
I really miss writing with you!
Sana makapagsulat na 'ko ulit.
And sana ma-meet ko kayo one day!

Love,
Sheena

You can find me here:
Facebook: Sheena WP
X/Twitter: wpsheena

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon