BUS TICKET

309 25 9
                                    


Itinaas ko ang aking kanang kamay senyales ng aking pag-para sa paparating na bus. Huminto naman ito sa mismong harapan ko.

Unti unti kong inihakbang ang aking mga paa paakyat sa loob ng bus.

"Boss saan ka?" tanong ng konduktor

"Fairview" walang gana kong sagot.

Dirediretso lang ako sa paglalakad. Ang aking mga mata ay naghahanap ng bakanteng mauupuan. Hindi ko alam ang dahilan, pero lahat na yata ng pasahero nakatingin sa akin.

Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso na sa paglalakad hanggang marating ko ang nag-iisang bakanteng upuan na para sa dalawang tao. Sa aking pag-upo sa tabi ng bintana ay bigla akong napaisip. Bakit sa dinami-rami ng pasahero, bakit wala man lang nag try na umupo dito? Nakalaan ba sa akin ito, o nagkataon lang?

Isinantabi ko nalang ang mga pangyayari at tiningnan ang aking relo. Alas sais na ng umaga.

"Sana makaabot ako. Sana hindi traffic sa Crossing. Sana mabilis magdrive ang driver." Mga sana ko sa aking isipan.

Kailangan ko makarating sa fairview ng alas-otso dahil interview ko ngayon para sa promotion na matagal ko ng hinihintay. Dalawang oras na ang inilaan ko para sa biyahe ko dahil alam kong masyadong ma-traffic sa Edsa.

Dahil alam kong mahaba-haba pa naman ang biyahe, ipinikit ko ang aking mga mata dahilan para ako ay makatulog.

Naalimpungatan ako sa ingay ng mga pasaherong nanggagaling sa loob ng bus na sinasakyan ko.

Pansin mo ang mga pasaherong nagmamadaling maglakad pababa ng bus at ang mga pasaherong tila kamag-anak ang mga bumaba dahil isa-isa nilang sinasalubong ang mga ito.

Buhay mandirigma nga naman. Araw-araw kang nakikipagsapalaran sa magulong mundo ng Maynila.

Sa kabila ng aking pagmumuni-muni ay siyang pag-upo ng isang babae sa aking tabi.

Wala akong balak pang tingnan siya pero nabigo ako. Natulala ako sa aking nakikita. Isang napakagandang babae ang aking katabi.

Mala-Julia Montes ang kaniyang ganda. Wala pang ibang artista ang pumukaw ng aking atensyon maliban kay Julia Montes. Kaya hindi ko maitatanggi ang paghanga ko sa kanya.

"May problema ba tayo Sir?" tanong ng babae.

Bigla akong natauhan. Kanina ko pa pala siya tinitingnan. Huli na din ng malaman kong nakanganga pala ako.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at bigla kong iniba ang atensyon ng aking mga mata. Tumingin ako sa gawing bintana. Pansin ko ang mabagal na usad ng mga sasakyan. Ibig sabihin ay nagsisimula na naman ang bugso ng traffic.

Muli kong ibinaling ang aking mata sa aking tabi. Pagbaling ng aking mukha ay bigla ko ulit itong kinabig.

"Bakit siya nakatingin sa akin?" tanong ko sa aking sarili.

Hindi na ako nagkaroon pa ng lakas ng loob na harapin siya. Bigla kasi bumilis ang tibok ng aking puso. Unti-unti ko ring naramdaman ang lamig ng hangin na nanggagaling sa aircon ng bus.

Sa mga sandaling 'yon ay hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Giniginaw ako na parang ewan.

Biglang nagtaasan ang aking mga balahibo ng maramdaman ko ang kakaibang nakadampi sa aking kanang braso.

Pagtingin ko ay nakadikit na ang kaliwang braso ng magandang babaeng katabi ko sa bus.

Sa mga oras na 'yon ay hindi na siya nakatingin sa akin. Mas nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya. Grabe, napaka-ganda talaga niya.

HEART BEAT (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon