SINTAS

52 11 0
                                    


"Oh Boss nasaan na ang kasama mo? Almost 30 minutes na tayong nag-iintay sa kaniya" wika ng driver. Kitang kita ko din ang pagkadismaya ng ibang mga pasaherong nasa loob mg van.

"Wait nalang natin boss, kahit mga 10 minutes nalang. Baka malapit na 'yun. Hindi kasi sumasagot sa tawag ko" nahihiya kong sagot.

"Nako, iwanan na natin kaibigan mo. Alangang kami ang mag-adjust para sa inyong dalawa." rinig kong sabi ng naiinis na babae.

Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nakita ko ang isang bansot na babae. Gusto ko sanang sagutin siya at naiinis na din ako pero nagtimpi lang ako.

Hanggang sa tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Joe sa screen. Nagmadali akong sinagot ang tawag niya.

"Ano ba naman Pare, nasaan ka na ba? Nakakahiya sa mga kasabay natin!" inis kong sabi sa tropa ko.

"Sorry Pare, nalate ako ng gising, ikaw nalang muna ang umakyat. Pakibayaran nalang muna 'yung sa akin. Pasensya na talaga pare." sagot ni Joe sa kabilang linya.

"Ano? Lima tayong nagplano, Dalawa tayong sure na aalis, pag dating ngayong araw ng lakad saka ako nalang matutuloy? Ang labo mo naman pare!" diretso kong sagot sa kaniya.

"Sorry na. 'Wag kana mag inarte diyan. Hayaan mo mamayang gabi pupunta nalang kami sa bahay niyo. Sige na mag enjoy ka. Ingat sa pag-akyat ha. Balik muna ako sa tulog." sagot niya sabay patay ng tawag.

Ang hanep na mokong na ito, pinatayan pa ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ng mga oras na 'yon. Gusto kong 'wag nalang din tumuloy, pero nandito na ako, ano pa ba magagawa ko?

"Ano na balita Boss?" tanong muli ng driver

"Hindi na daw tutuloy." nahihiya kong sagot.

"Oh, eh ano pa hinihintay mo? Pumasok kana at ng makabiyahe na tayo! Sayang ang oras!" singit muli ng bansot na babae.

Pumasok na ako sa van ng walang emosyon. Hindi pa man sumisikat ang araw nabubwisit na ako. Dumagdag pa itong pandak na babaeng mabunganga. Hindi ko naman siya masisi at "time is gold" nga sabi nila.

Kung pumayag nalang si Joe na mag DIY nalang kami di sana mas okay pa. Ako tuloy nahihiya sa mga tao dito. Naki-join pa kasi kami sa mga hindi naman namin kakilalang traveller.

"Oh guys bago tayo bumiyahe bigay niyo muna 'yung additional 50% niyo na bayad para sa tour natin." wika ng driver.

Kinuha ko ang wallet ko para kumuha ng pera. Akmang iaabot ko na ang bayad ng magsalita muli ang bansot na babae.

"Dapat sa 'yo kuya, doble bayad mo, ang taba mo kasi." natatawa niyang sagot.

Sasagutin ko na sana siya ng magsalita ang driver.

"Guys, respect each other. Kaya kami nag oorganized ng tour sa mga solo traveller para pag-uwi niyo mayroon kayong kaibigan hindi kaaway." sabi niya.

Tiningnan ko ang bansot na babae na katabi ko. Nginitian ko siya na halatang nang-iinis. Gusto ko siyang asarin ng mga oras na 'yon.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganiyan. Nasisira araw ko sa 'yo!" mataray na sabi niya.

"Wag ka kasing maingay. Siguro mas better kung lagyan natin ng masking tape 'yang bibig mo para hindi ka napapahiya." mahina kong bulong. Ayoko kasing mag-eskandalo sa harap ng ibang tao.

"Tse!" inis niyang tugon.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan. Gustuhin ko man na manghinayang dahil hindi nakasama si Joe, mas pinili ko nalang na mag relax at magpahinga muna para kahit papano ay may lakas ako sa pag-akyat mamaya.

HEART BEAT (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon