MY "MYDAY" PRINCESS

65 16 0
                                    


"Hey!" sigaw ng babaeng katabi ko.

"Kanina pa ako nagsasalita. Kung saan-saan ka nakatingin. Naiintindihan mo ba ako?" irita niyang sabi sa akin.

"Opo. Nakukuha ko po" nahihiya kong sagot.

"Bakit imbes na sa computer ka nakafocus, sa mga pictures ko ikaw nakatingin?" taas kilay niyang tanong.

"Ang dami niyo po kasing picture sa table saka sa dingding. Araw-araw po ba kayong naglalagay ng picture diyan? Saka hindi po ba magagalit 'yung Boss natin kasi parang may picture exhibit dito sa pwesto natin." diretso kong tanong.

Sa totoo, hindi naman ako matanong na tao. Naguguluhan lang ako kasi parang wala ako sa opisina. Alam mo yung feeling na, para kang nasa kwarto ng babae mong katapid na punong puno ng pictures ng korean idols niya.

Hindi ko tuloy maiwasang tingnan ang mga larawang nakalagay kung saan-saan.

"Mr. San Sebastian, unang araw mo pa lang paki-alamero ka na. 'Wag mong pansinin ang mga pictures ko, pakinggan mo nalang ang mga tinuturo ko. Remember, ako ang trainer mo, so paano ka ma-re-regular dito kung ibagsak kita sa evaluation?" bwisit niyang sagot sa akin.

"Sorry po!" mahina kong sagot.

Kung ako ang pamimiliin, ayoko naman talaga sa clerical na trabaho. Pero dahil fresh graduate at ang hirap mag hanap ng work, kinuha ko na ang pagkakataon na ma-hired ako at maging isang Encoder.

Ito ako ngayun, kasalukuyang nakikipagbuno sa dami ng papel na dapat kong iencode. Tapos nagkaroon pa ako ng maarte, pabebe at mataray na trainer.

Kung ano ang kinatahimik ko, ay siya namang kinaingay niya. Imbis kasi na matuto ako sa kaniya, mas wala pa akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil sa bilis niyang magsalita.

Na wi-weirdohan din ako sa babaeng 'to. Akalain mo ba naman kasing lahat nalang 'ata ng gagawin niya kailangan niya pang picturan. Ang malala pa dun, nakadikit pa 'yun sa buong pwesto niya. Ang weird 'di ba? Buti hindi siya sinusuway ng may-ari ng kumpanya.

"May cellphone ka ba?" muli niyang tanong.

"Mayroon naman po. Bakit po?" tanong ko.

"Add mo ako sa facebook dahil absent ako bukas. In case na may tanong ka, i-message mo nalang ako." wika niya habang nakatingin sa computer.

"Tawagan ko nalang po kayo sa number niyo gamit ang telepono ng kumpanya, hindi po kasi ako madalas mag-facebook eh!" nahihiya kong tugon.

"May tao pa bang hindi nag fa-facebook?" mataas na boses niyang tanong.

"Saka hindi ko binibigay ang personal number ko. Kahit si Boss hindi 'yun alam." dugtong niya.

"Ang sabi ko po, madalang lang po ako mag-facebook, hindi ko po sinabing hindi ako nag fa-facebook!" naiirita ko na ding sagot.

"Whatever! Ano ngang name mo sa facebook?" tanong niyang muli.

"Bry Angelo San Sebastian po" nahihiya kong sabi sabay kamot sa aking ulo.

Hindi na siya nagsalita pa. Ilang minuto din ang lumipas ng muli siyang sumingit habang nag e-encode ako.

"Ang private naman ang FB mo. Wala man lang akong makitang information sa'yo. Inadd na kita. I-accept mo na ako dali." excited niyang sabi na mababakas pa ang masayang ngiti.

"Hindi po ba bawal ang mag-cellphone habang office hours?" tanong ko

"Tatlong taon na ako dito sa kumpanya. Wala namang bumawal sa akin. Dali na at i-accept mo na ako!" wika niya. Kinuha ko ang cellphone sa bag at inopen ang data. Biglang nag-notify sa akin ang friend request niya.

HEART BEAT (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon