GIRLFRIEND

39 13 0
                                    


Nakaupo kami ng boyfriend kong si Drake sa isang upuan ng food court sa mall.

Maya-maya ay nagsidatingan ang mga kaibigan niya. May usapan kasi kaming manunuod kami ng sine.

"Oy pare syota mo?", tanong ng isang lalaki.

"Hindi pare" sagot ni Drake.

Huh? Bakit ganun ang sinagot niya? Nasaktan ako sa mga narinig ko.

Hanggang sa naglalakad na kami sa mall nang nagsalita naman ang isang kaibigan niya.

"Drake jowa mo?", his friend asked.

"Nope" he answered.

I can't handle this any more. So I quickly went to the comfort room.

Mabuti na lang at walang tao. Humarap agad ako sa salamin, and I cried.

Damn! It really hurts. Bakit niya dinedeny na jowa niya ko? Kinakahiya niya ba ako!?

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan. May pumasok.

Kaya nagmadali akong naghilamos ng mukha. Pero nabigla ako ng may yumakap sakin patalikod.

Kahit di ko pa napupunasan ang mukha ko ay napalingon ako.

It is him. Drake San Agustin.

May kinuha siya sa bulsa niya. Isang panyo. Saka pinunasan ang mukha ko.

"Alam ko kung bakit ka umiiyak. Dahil ba kanina?" he asked in nowhere.

"Ba't ka ba nandito? Pambabaeng comfort room 'to" singhal ko sa kaniya.

Pero inilapit niya lang ang katawan ko sa kaniya.

Natapos na din niyang punasan ang mukha ko.

"Una sa lahat at hindi sa huli. Ayaw kong tinatawag ka lang nilang 'syota' at 'jowa'"sabi niya.

Napakunot naman ako ng noo.

"Dahil 'di ako tumanggap ng mga pasa sa papa mo, mga sampal ng nanay mo, para tawagin ka lang nila sa mga salitang basura. Dahil 'di ka basura. 'Di ako nagpakahirap para tratuhin ka lang nilang basura. Girlfriend kita. 'Yun ang tamang term na dapat itawag sa 'yo. Your not a trash just like a words. You are my queen, Ellena. I love you." he said before pulling me for a kiss.

👉🅆🄷🄴🄽 🄰🄲🄺🅈 🅆🅁🄸🅃🄴🅂🖊

HEART BEAT (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon