SANA ALL

72 18 1
                                    


"Maghihiwalay din kayo!" inis kong sambit sa aking isipin habang dinadaanan ang mag-jowang naghaharutan sa may hallway ng aming campus.

Ako si Klent Zaira Dela Vega.
CERTIFIED JOWALA! As in wala akong Jowa. NBSB kung tawagin ng iba. Wala akong pakialam sa mga lalaki. Basta ang alam ko, sakit lang sila sa ulo. Pare-parehas lang silang manloloko. Lahat sila ay walang magandang maidudulot sa aming mga babae.

Halos lahat 'ata ng babaeng kakilala ko ay sawi sa pag-ibig. Lahat sila niloko ng kanilang mga boyfriend, ay mali, ex-boyfriend.

Kaya ako, wala akong balak na pumasok sa isang relasyon. Ayokong matulad sa mga kaibigan kong nilandi lang bumigay na agad, tapus ayun iiyak-iyak sa akin.

"Ano ba!" hiyaw ko ng bigla akong nabunggo dahilan para malaglag ang hawak kong libro.

"Pwede ba sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo!" inis kong sabi.

Yumuko ako upang kunin ang nalaglag na libro. Akmang hahawakan ko na ito ng may kamay akong nakitang naunang nakahawak sa libro ko. Mabilis akong tumingala upang makita kung kaninong kamay ang nakahawak sa libro ko.

"Pasensya ka na ha. Hindi dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Ikaw ang walang pakialam sa dinaraanan mo. Para kang siga sa daan. Kami na ang umiiwas sa 'yo." nakangising sagot ng lalaki.

"Hoy Ikaw! 'Wag ako ang pagsabihan mo. Nakita mo na pala akong dumaraan, bakit di ka pa tumabi? Sa susunod tumabi ka kung ayaw mong mabangga" inis kong sabi.

"Aba! Ikaw pa talaga ang matapang. Sa pagkakaalam ko ikaw ang may kasalanan, hindi ako" sagot niya.

"Sige nga aber. Patunayan mo kung bakit ako ang may kasalanan? Na ako ang mali sa ating dalawa?" paghahamon ko.

"Una, hindi Aber ang pangalan ko. I'm Angel Seyu Phoenix Patterson. Pangalawa, nakikita mo kung gano kalawak ang hallway? Ang luwag 'di ba? Wala ka namang masyadong nakikitang dumaraan at nandito ako sa gilid. Hindi ka sana mababangga kung sa gitna ka dumaan 'di ba?" nakangiti pa din niyang sabi.

Tiningnan ko ang hallway. Tama nga ang sinasabi niya, masyadong malawak 'to para magkabungguan kami. Hindi ako pumayag na ako ang talo sa pag-aaway namin.

"Wala akong pakialam. Akin na nga 'yang libro ko, panira ka ng araw!" inis kong sabi sa kaniya sabay hablot ng libro.

Akmang tatalikuran ko na siya ng bigla siyang magsalita.

"Subukan mo kayang ngumiti man lang, para mas lalo kang gumanda. Wala namang masama kung magiging positibo ka sa araw na 'to" nakangiti niyang sabi sa akin na hindi man lang makitaan ng inis sa kaniyang mukha.

Nabigla ako ng bigla siyang lumakad papalayo. Iniwan niya akong nakanganga.

"Hoy Klent! Anong ginagawa mo diyan?" hiyaw ng pamilyar na boses.

"Zaira not Klent. Mukha ba akong lalaki?" inis kong sabi kay Maya.

"So bakit parang kasalanan ko pa? Eh, bakit kasi 'yun ang ibinigay na pangalan ng parents mo?" natatawang sagot niya.

"Uulit-ulitin ko pa ba sa 'yo? May option naman 'di ba? Kung sana walang Zaira e'di papayag ako sa Klent. Saka bakit ka ba nandito?" inis tanong ko sa kanya.

"Sino naman ang hindi lalapit sa 'yo, eh kausap mo kanina si Phoenix. My Goodness Zaira, anong meron sa inyong dalawa?" maintriga niyang tanong.

"Sinong Phoenix? You mean 'yung lalaking kasama ko dito? Yung mayabang na 'yun? Bakit mo siya kilala?" tanong ko.

"Klent Zaira Dela Vega, kaharap mo na knina ang angel na nagmula sa langit. 'Wag mong sabihing hindi mo kilala si Angel Seyu Phoenix Patterson? Siya lang naman ang sikat na nag-iisang anak ng mga Patterson. Sila din ang nagmamay-ari ng campus na 'to. My goodness Zaira, kausap mo ang pinagpapantasyahan ng mga kababaihan dito sa campus" kinikilig niyang sabi.

HEART BEAT (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon