PINAGTAGPO NGUNIT ITINAGO

69 17 0
                                    


"Congratulations Madam Tine. That was a great deal"
salitang nanggaling sa aking Assistant.

Lahat sila ay nakatingin at halata ang kanilang masasayang mga ngiti.

"It's a team effort guys, not only mine. All credits belong to us" nakangiti kong sabi.

"By the way, I have to go. I need to buy something for my boyfriend. Gonna treat you guys tomorrow." dugtong ko saka ko sila nilisan.

I am Sheena Kristina Madrigal. The owner of Happy Couple Events Company. I established this kind of business para tuparin ang mga pangarap ng mga couple to have a perfect and memorable wedding. Not to brag, but for three years, I already have a name in this kind of industry.

As a woman, I also dream to have a great wedding. Gusto kong makasal sa taong mahal ko at mahal ako and that is no other than Terrence Del Rosario.

Habang naglalakad ako sa mall, nakita ko ang isang batang babae na umiiyak. May parte sa puso ko na naaawa ako. I started to walk towards her.

"Kid, are you okay?" tanong ko

"Yung Papa ko po kasi," sagot ng bata habang ipinangpupunas ang kaniyang braso sa kaniyang mga mata.

"What happened to your Dad?" muli kong tanong.

"May iba na po siyang Mahal. Hindi na niya mahal si Mama" muling sabi ng bata.

Hindi ko alam ang dapat sabihin. I was shocked that time. Hindi dapat nararanasaan ng isang batang katulad niya ang mga ganung bagay.

I was about to say something ng bigla siyang tumakbo. Hindi ko na din siya hinabol dahil mabilis siyang nawala sa paningin ko.

My phone rang and I smiled when I saw his name on the screen.

"Hi Love? Where are you?" I asked.

"Nandito pa ako sa work, Love. Baka hindi kita masundo ha, pahatid ka nalang sa driver mo. Overtime kami ngayon. Promise, ba-bawi nalang ako sa 'yo. I love you Love." sabi niya sa kabilang linya. Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang namatay ang tawag. I roam around the mall and bought things for the upcoming birthday of Renz.

"Love, I'm home" text ko kay Renz.

Lumipas ang ilang minuto at hindi pa siya sumasagot. I started to call his number but it can't be reached.

"What happened to him" I asked my self in curiosity.

For 5 years now, never pa siyang hindi nag-reply sa mga text ko, at never pang hindi nakontak ang phone niya.

"Love, I dont know what happened or already happened to you. I hope you are doing well. Don't skip your meal. I love you Love. See you tomorrow" the text I sent to him.

The following day I received a text from Renz.

"Love, sorry po kagabi hindi ako nakapag update. Pauwi na ako after ng overtime ng biglang nag-aya si Boss. Nalobat din po cp ko kaya di na kita nareplyan. Sorry po Love. I love you."

"Good morning Love. See you later. I love you."

Mga texts na nabasa ko galing sa kaniya.

HEART BEAT (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon