HAPPINESS IN A BOTTLE

47 12 0
                                    


"Tara ng kumain" rinig kong wika ng officemate ko.

Napabalikwas ako sa aking pagkaka-upo ng marinig ko si Ian. 'Di ko namalayan na pasado alas dose na pala ng tanghali.

Nagmadali akong pumunta sa pantry area at hinalungkat ang mga pagkain na nasa stayro.

"Opss! Sir Yuan, wala kang order" nakangiti niyang sabi.

"Ano? Paanong walang order, eh araw-araw naman tayong may order." nagtataka kong tanong.

"Araw-araw nga. Ngayon kasi 'di ka naman nag-sabi kung anong food ang bibilhin namin sa 'yo. Ibig sabihin, wala kaming naorder para sa 'yo." tugon niya.

Napa-isip akong bigla. Simula ng pumasok ako kaninang umaga, dumiretso na ako sa computer para gumawa ng report. Naging dahilan 'yon para hindi na ako nakapag-bigay ng order sa kanila. Bakit hindi man lang nila ako nilapitan sa table ko para tanungin kung ano ang gusto kong kainin?

Iniwan ko nalang si Ian kasama ang iba pa naming ka officemate. No choice ako kun'di ang lumabas ng building at kumain sa canteen sa tapat ng office namin.

Nagmadali akong lumabas dahil kailangan kong makabalik sa office dahil madami pa akong hindi natatapos na report.

Pagdating ko sa canteen ay nagmadali akong nag-order ng food at tumungo sa may bakanteng lamesa na pangdalawahan. Nasa pinakagilid ako ng canteen na malayo sa kumpol ng mga kumakain.

Ibinaba ko na ang pagkain kong inorder kasama ang softdrinks na magpapalamig sa mainit na panahon at sa mainit kong ulo dahil sa gutom.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain habang nag titingin sa facebook ng biglang may babaeng nagpahinto sa mundo ko.

Nasa harapan ko siya bitbit ang tray ng pagkain. Kilala ko siya. Siya si Bria Martinez, ang pinaka-magandang empleyado sa kumpanyang pinapasukan ko. Kasabay ko siya sa company orientation nu'n, kaya kilalang kilala ko siya. 'Yun nga lang, magkaiba kami ng departamentong pinapasukan.

Madalas din kaming nagkakasabay sa elevator pero hindi pa kami nakapag-usap kahit isang beses man lang. Hindi ko pa pala nasasabi, matagal ko ng hinahangaan si Bria. Bukod sa sobrang ganda niya, maraming nagsasabi na mabait siya at walang boyfriend. Ibig sabihin, pwede ko siyang ligawan 'di ba?

Pero kasi, ako 'yung taong torpe at hindi marunong manligaw. Sa edad kong 23, wala pa akong nagiging girlfriend. Sana sa pagkakataong ito, meron na

"Hey! Tinatanong ko kung pwede ba akong makitabi? Wala na kasing bakanteng upuan" nakangiti niyang sabi.

Bumalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang pagtaas ng boses niya.

"Ah eh, sige. P-pwede naman. W-wala naman akong katabi" nauutal kong tugon.

Nginitian niya ako at saka umupo sa tapat ko. Ibinaba na niya ang tray na hawak niya at hinawakan ang kutsara at tinidor.

Akala ko ay kakain na siya, pero bigla siyang pumikit, senyales ng kaniyang pagdarasal bago siya kumain.

Nagbigay naman 'yon ng pagkakataon sa akin para matitigan siya. Bigla nalang ako napangiti ng matitigan ko siya ng malapitan. Napaka amo ng kaniyang mukha at sobrang ganda talaga niya. Ang tangos ng ilong at ang nipis ng mga labi na kay sarap....

Nahinto lang ako sa aking pag-papantasya ng bigla siyang magsalita. Tapos na pala siyang magdasal.

"Masyado ang titig mo sa akin Sir ah. Tumutulo na yung laway niyo eh" nakangiti niyang sabi na kinagulat ko.

Bigla akong napahiya. Hinawakan ko ang aking bibig para punasan ang tumutulo kong laway.

"Wala namang tumulo eh. Niloloko mo naman ako!" nahihiyang saad ko.

HEART BEAT (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon