PROLOGUE

8.6K 179 10
                                    

"Jane! Umimik ka naman. May dila ka naman ah?" Himutok ni Cloud. Isa itong bakla. Kasama ko siya ngayon, pati si Andrea, dito sa Canteen. Lunch namin ngayon.

"Bakla, hindi ka pa ba sanay kay Jane? Alam mong hindi palaimik yan." Ani Andrea habang patuloy lang sa pagkain.

Hindi ko sila pinansing dalawa. Hindi ko rin alam sa dalawang ito. Basta nakita ko na lang ang sarili kong kasama na sila kahit hindi ko naman talaga sila kaibigan. Hinayaan ko na lamang din.

Inilapit ni Cloud ang mukha niya ng kaunti sakin, kaharapan ko siya at katabi niya si Andrea. "Girl, nandyan si Chris, may dala na namang bulaklak para sayo!" Kinikilig na saad nito. Muli, hindi ko ito pinansin. Wala akong panahon sa kanila. May anak na ako at kapag nalaman nila yon, alam kong iiwan din nila ako.

"Hi, Jane," bati ni Chris na ngayon ay nasa gilid ko na. "Ahm, for you." Sabay abot ng hawak niyang kumpol ng pulang rosas. Halos araw-araw na yata niya akong binibigyan ng bulaklak, at kahit isa ay wala akong tinatanggap. Ayoko siyang paasahin, nasabihan ko na rin siya na ayoko sa kanya. Pero siya itong mapilit. I don't want to be rude. Ayoko lang siyang paasahin sa bagay na hindi ko kayang ibigay. Bakit ako magsisinungaling kung kaya ko namang sabihin ang totoo?

Ibinaba ko ang kubyertos bago ko siya binalingan ng tingin. Gwapo ito, oo. Maraming nagkakagusto sa kanya sa department namin at sa iba pang department pero hindi ko alam kung bakit ako ang pinagtutuunan niya ng pansin. "Chris–"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Alam kong hindi mo ako gusto at pinapatigil mo na ako. Pero last na 'to. Tanggapin mo lang 'tong bulaklak na dala ko at hindi na kita kukulitin pa." Anito. Wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin ang bulaklak na hawak niya. Malungkot itong ngumiti.

Ginulo niya ang buhok ko, "Thank you, Jane." Saka umalis. Napabuntong hininga ako saka inilapag ang bulaklak sa lamesa at saka kumaing muli.

"Jane, ba't ba hindi ka pa nagboboyfriend? Ang daming may gusto sayo dito pero lahat rejected." Saad ni Andrea. Napaisip ako. Bakit nga ba? Ah.. Kasi may iba ng laman ang puso ko.. at hindi ko alam kung paano ko siya makikita.. o kung makikita ko pa ba siya.

"Alam mo bang 'Heartbreaker' na ang tawag sayo dito dahil sa dami mong nireject?" Ani Cloud. Hindi ko sila sinagot na dalawa. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga nila.

"Done. First." Saka ako tumayo. Alam na nila ang ibig sabihin no'n. It means, 'I'm done, I'll go first'.

"BRO! CAN YOU CALM DOWN?!"
"ANO BA JOSEPH?! MARAMING TAO DITO! MAMAYA MO NA SIYA HANAPIN!"

May biglang pumasok at yan ang naririnig ko habang inililigpit ang pinagkainan ko. Ramdam ko ring natahimik ang buong canteen dahil doon.

"Oh my Gosh! Si Sir!"
"Ba't siya nandito?"
"Unang beses siyang nagpunta dito!"
"Bakla! Ang pogi!"
"Pati nung dalawang kasama!"

Yan ang narinig kong pinag-uusapan nina Andrea at Cloud. Pabulong lang pero rinig ko pa rin. Are they pertaining to our CEO? Hm, I haven't seen him yet, pero wala rin akong balak. Hindi ako interesado 

Ng matapos magligpit ay umalis na ako. Hindi ko na dinala ang bulaklak. Cloud will bring that later. Sa ibang direksyon naman ako pupunta. Sa kabilang pinto ako dadaan dahil pupunta pa akong washroom.  Pinigilan pa ako ng dalawa dahil nandyan daw ang CEO at baka masita ako. Pero hindi naman siguro niya ako mapapansin di ba? Nasa gilid kami nakapwesto sa may tabi ng glass window at malapit lang dito ang lagayan ng pinagkainan at ang kabilang pintuan.

Tahimik lang akong naglakad papunta doon. Sobrang tahimik din ng paligid. Maliban na lang sa dalawang lalaking kanina pang inaawat ang CEO namin. Ewan ko, bahala sila.

Nang mailapag ang pinagkainan ko ay bumaling na ako para makalabas na ng tuluyan. Nakatungo lamang ako habang naglalakad para hindi rin ako mapansin ng CEO. Malapit na ako sa pintuan ng may pares ng sapatos ang humarang sa harapan ko.

Dali-dali akong nag-angat ng tingin.

I saw a serious face, and I met his gaze. Malalim din ang paghinga nito waring may hinabol. I stared at his face. Is this our CEO? Patay! Nahuli pa nga ako! Dapat bang nakinig ako sa dalawa?

He looks familiar. Kamukha niya siya.

Pero laking gulat ko ng humakbang ito palapit sakin kaya otomatikong napaatras ako.

His face softened. "Marah.." he murmured under his deep breath kasabay ng pagyakap niya sakin ng mahigpit. Natuod ako. He called me 'Marah'. Isang tao lang ang pinagbigyan ko ng pangalang yun. Is he..

"S-Sino ka?" I asked. Hindi. Baka nagkakamali lang ako. Pinilit ko siyang itulak palayo at nagtagumpay ako.

An emotion crossed in his eyes. Pain? Why?

"You don't remember me? Then let me remind you who I am." Mabilis ang pangyayari. Hinawakan nito ang braso ko at hinapit ang bewang ko papunta sa kanya kasabay ng paglapat ng labi niya sa labi ko.

My eyes widened.

I also heard gasps.

Hindi ako makagalaw sa pagkabigla. Siya ba? Siya ba ang ama ng mga anak ko? Siya ba talaga? Nakita ko na talaga siya after six years? His features changed and looked more manly. Mas lalo siyang gumwapo.

Humiwalay din siya sakin. Pero ako, hindi pa rin makagalaw sa pagkabigla. Hindi lang dahil siya ang lalaking 'yon', hinalikan niya rin ako sa harap ng maraming tao!

"If you can't still remember me," he smirked. Tumambol ang puso ko dahil sa ngiting yon. "I have lots of ways." Dagdag nito.

"KYAAAAAAAH!" Napatili ako ng bigla niya akong binuhat na parang sako. "PUT ME DOWN! YOU DON'T HAVE TO DO THIS! PUT. ME. DOWN!" I shouted at the top of my lungs. Nagpupumiglas ako pero ang laking tao naman kasi nito! Wala akong magawa.

"Stop wasting your energy. I won't put you down," Anito saka nagsimulang maglakad. Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao though hindi ko maintindihan. Wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Ang tagal ko ring gusto siyang makita. I have no idea who is he! I don't even have his name or anything about him. Kaya kahit gustong-gusto ko siyang hanapin, hindi ko alam kung paano.

Tadhana nga naman. Sinong mag-aakalang nasa iisa kaming kompanya nagtatrabaho? At siya pa ang may-ari nito.

"ALEJANDRO! HINAY-HINAY LANG! WAG MONG PAPAGURIN SI MARAH!" Sigaw ng isa niyang kasama. Hindi ba siya nahihiya? At anong papagurin? What does he mean by that?

"ANIM NA TAON DIN YON!" Ani pa ng isa at saka sila tumawang dalawa. Jerks!

Now that I finally found him, what will happen to us? Papanagutan ba niya ako? Sasabihin ko bang may anak kaming dalawa? Bakit ngayon lang niya ako hinanap? Sa loob ng anim na taon? Bakit ngayon lang kami nagkita? Ang daming tanong sa aking isipan at tanging siya lang ang makakasagot.

But one thing's for sure, I'm happy. And since I'm with him, I'll face everything together with him.

His Lost BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon