01

5.7K 135 12
                                    

"Amara.. nawala ka na.. hindi ka na bumalik.. Amara, mahal kita.. pero bakit nga ba minahal kita?" Joseph murmured. Kasalukuyan siyang nasa BeriBar, kasama ang babaeng mahal niya–si Amara. Pero bigla na lamang itong nawala. Nagpaalam itong magbabanyo lamang pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.

Muli niyang tinungga ang isang baso ng alak na hawak niya. He's broken hearted.

Ang magmahal ng taong may mahal na ay hindi madali. Masakit makitang napapasaya siya ng iba, saya na hindi mo maibibigay at tanging mahal niya lang ang makakapagbigay sa kanya.

Every time he looks in her eyes, her eyes that only sees the man of her life, he can see how happy she is.

Tanggap niya. Tanggap niyang hindi siya mahal ng taong mahal niya at sumusuko na siya kahit hindi pa nag-uumpisa ang laban. Dahil alam niyang talo na siya simula't sapul pa lang. Pero masakit pa rin. Masakit pa rin kahit tanggap mo nang hindi ka mamahalin ng taong mahal mo gaano mo man ito kamahal. Masakit pa rin ang magmahal.

Bakit kapag nagmamahal, kailan pang masaktan? We do need to feel pain? Why do we need to learn from those pain?

"Isa pa," he ordered the bartender. Tumalima ang bartender at binigyan pa siya ng isa pang bote ng alak. Gusto niyang magpakalasing.. just for this once.

Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya kaya napatingin siya dito. Maganda ito ngunit mukhang bata pa. Bente dos anyos na siya at sa tingin niya ay nasa senior high school lamang ang babaeng tumabi sa kanya.

"Isang tequila," wika ng babae. Tumingin ito sa kanya pabalik. The moment their eyes met, he felt something inside his chest. Binalewala niya iyon. Binawi niya ang tingin niya at muling itinuon sa basong hawak niya.

Bakit hindi na lang tayo mahal ng taong mahal natin? Yan ang tanong niya sa kanyang isip. Bakit nagmamahal tayo ng maling tao? Is it to feel pain? To feel every negative emotions? To fill your mind with negative thoughts? Or to learn? To learn how to stand up when you've stumbled? To learn how to accept things? To learn what?

Muli niyang ininom ang alak sa basong hawak niya at nagsalin ng panibago.

"I'm Marah," Napatingin siya sa katabi niya ng ito ay magsalita. Hindi niya alam kung bakit pero ng matingnan ang mata nito ay muling nakaramdam ng kakaiba ang katawan niya.

While Marah, on the other hand, introduced herself to Joseph because he seems broken and needs someone he can lean on. May problema rin siya kaya baka matutulungan nila ang isa't isa kahit sa simpleng pakikinig lang.

Hindi siya pinansin ni Joseph kaya ininom na lang niya ang alak na in-order niya. First time niya itong gagawin. Gusto lamang niyang makalimot kahit isang gabi lang. Lahat ng sakit, ayaw muna niyang maranasan. Sobrang sakit na ng nararamdaman niya at gusto niyang ilabas lahat ng sama ng loob. Baka sakaling alak ang sagot.

Uminom lang sila ng uminom hanggang tamaan na ng alak si Marah, gano'n din si Joseph.

Napatingin si Joseph sa katabi niya at laking gulat ng makita si Amara doon. Hinawakan niya ang braso nito. "Amara.." he whispered. Marah thought Joseph is calling her name.. 'Marah'

Hindi na siya nakapalag ng bigla siyang hinapit ni Joseph at hagkan ang labi nito. Ang mainit nitong labi ay nakakalunod at nakakawala ng sarili.

Hanggang sa nagising na lamang silang dalawa na magkatabi sa kama at wala ng saplot. Joseph was shocked. Marah did run away without because of embarrassment for herself. And Joseph did nothing but let Marah go..

His Lost BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon