03

3.9K 99 3
                                    

Tiningnan ko ang makalat kong work station. Ang daming mga crampled paper sa kung saan.

I sighed. Isinandal ko rin ang likod ko sa upuan at pumikit.

Nakakapagod. Ang dami ko nang nagawang designs pero pakiramdam ko, may kulang pa rin at hindi pa rin maganda. What to do?

"Jane, hindi ka pa ba aalis?" Minulat ko ang aking mga mata. Lauvhli, one of my co-workers, is standing in front of me. I just shook my head as for my response. "Sige, mauna na ako." Anito saka umalis na.

And there, ako na lamang ang natitira dito. Muli kong naisandal ang aking likod. Inaantok na ako pero marami pa akong dapat tapusin.

Dapat kailangan ko nang matapos ang lahat ng gagawin ko.

Inayos ko ang aking sarili at muling tinuon ang atensyon sa paggagawa ng iba't ibang disenyo. Kapag gumagawa ako ng gowns, naiisip ko rin minsan.. wedding gown.. kailan kaya ako makakapagsuot noon?

I tilted my head. I should focus. Tama, focus tayo, Fami.

Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag-drawing ng mga damit. Mostly, gowns. Kaya naman ito ang trabaho ko. Fashion Designer.

Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa kong disenyo ng biglang magpatay-sindi ang mga ilaw. Napatingin ako sa mga ito. Di kalaunan ay umayos na rin naman kaya binalewala ko na lang.

Pero akala ko lang yun dahil muling nagpatay-sindi ang ilaw. And this time, tuluyan ng namatay.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ako pa ang naabutan?

Nilibot ko ang aking mata. Madilim pero may mga emergency lights naman, kasama na ang liwanag ng buwan, kaya medyo nakakakita ako.

Napapikit ako. Wala naman sigurong multo dito di ba? Kung bakit ba kasi ako nagpaiwan eh.

Wala ba silang generator? O inaayos pa? Bakit ang tagal magkailaw ulit?

Kesa mag-panic, inayos ko na lang ang mga gamit ko. Aalis na lang ako. Alas onse na rin ng gabi.

Nang maayos ko na ang gamit ko ay dali-dali akong lumabas.

NASA GROUND FLOOR NA AKO. Although the exit is still far from my sight, at least malapit na akong makalabas. Wala pa ring kuryente. Hindi ko alam kung bakit. At ang creepy, sobra. Yung feeling na ako lang ang naglalakad dito? Tanging yabag lang ng paa ko ang naririnig ko. Tapos wala pang ilaw? Ang lamig din. Feeling ko nasa isang shooting ako ng horror movie-

Oh, my fucking shit.

Napatigil ako sa paglalakad at nahigit ko ang aking paghinga ng may narinig akong naglalakad. Mabibigat pero mabagal ang lakad nito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Paano kung multo yun? Hindi ako naniniwala sa multo. To see is to believe. Pero ayoko namang makakita!

Maglalakad na sana akong muli at hindi na lamang iyon iintindihin ng magsalita ito.

"T-Tulong.."

Napapikit ako at humigpit ang kapit ko sa mga dala kong gamit. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung tao ba yun o ano. Bakit siya humihingi ng tulong? Tutulungan ko ba?

"Tu-Tulong.. tu-tulungan m-mo a-ako.." alam ko, malayo pa siya sakin at hindi ganon kalakas ang boses niya. Pero dahil sa sobrang tahimik, rinig na rinig ko ang sinasabi niya. Nasa may bandang likod ko siya at ayokong humarap sa kanya. Paano kung multo? Eh paano kung tao?

Napamulat ako ng makarinig ng pagbagsak at dali-daling lumingon sa aking likod. And there, someone is lying on the floor!

Teka, bumagsak? May tunog? Edi tao nga?

His Lost BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon