Ang kagandahan at kahalagahan ng iyong mga mata'y dalawang bituing sa hinhin ay sagana, bukod tangi, at mayaman sa awa. Ito'y tulad ng kristal ang hugis at brilyanteng kumikinang ang kawangis.
Natatanaw nito ang mga magagandang bagay na likha ng Diyos at nakakakita ito ng halaga at pag-ibig.Salamin ng kaluluwa ang ating mga mata. Dito natin makikita ang nararamdaman ng isang tao. Tila kay ganda ng mga mata kapag ito'y puno ng kasiyahan at pag-asa ngunit minsan may hindi nito kayang itago ang mga kalungkutan. Kayraming karanasan ang nakikita sa mga mata.
Nagkukuwento ito ng maraming problema. Kahit pa nakangiti, iyong makikita ang lungkot na ala-ala at mapait na nadarama, hindi man sabihin, ngunit sa mga mata'y nakikita. Maraming luha ang pumatak pero ito'y ekspresiyon lamang na nagpapakita ng kahalagahan ng mga mata.Sa landas ng buhay na ating tinatahak, may masasakit at maligayang nakaraan. Nandiyan ang mga mata upang masulyapan ang kagandahan ng buhay ngayon.
Bitawan ang mga bagay na tapos na bagkus pagkuhanan mo nalang ito ng mga aral. Sa haplit ng mga pagsubok ay pilit kinakayanan. Ito ang mga mata, ang nagpapahayag ng nararamdaman at nakakakita ng kagandahan at kahalagahan.