Ito ang pinakamatalino sa lahat ng parte, ang utak. Walang kahulugan ang buhay ng mata, tenga, labi, kamay, paa at puso kung wala ito. Kaya nitong mag-isip ng mga bagay. Dahil sa kanya, ang tao ay nakakagalaw at nakakagawa ng mga bagay na gusto niyang gawin. Kaibigan nito ang puso. Siya ang gumagabay rito sa kung ano ang dapat gawin. Hawak niya ang napakaraming impormasyon. Napakaraming kayang gawin ng tao dahil ito'y kontrolado ng utak tulad ng tumawa, umiyak at iba pa.
Sa paggawa ng isang bagay, isang desisyon ang unang nagagawa na pinangungunahan ng utak. Karamiha'y sinasabi na dapat mas sundin natin ang ating mga puso kesa sa utak ngunit mas nangingibabaw pa rin ang paniniwala na dapat ang utak ang sundin sapagkat ang puso ay mahina pa para mag desisyon.
Sadyang kay talino ng utak ngunit tulad ng tao, ito'y hindi perpekto. Nagkakamali rin ito sa kanyang mga desisyon. Matalino ito, ngunit ito ay may kahinaan din. Ang utak ay naiimpluwensiyahan ng mga bagay na kanyang naririnig, nakikita at nararamdaman. Hindi ito maiiwasan ngunit dadating ito sa punto na magiging masama na ito. Naging mapanghusga, makasarili, mapanlinlang at madumi. Maaari ring dahil sa matinding emosyon, masaya man, malungkot o galit, nagdudulot ito ng pag apekto sa pag iisip.
Subalit sa likod ng mga pagkakamaling nagawa ng utak, hindi ito basehan ng pagkakakilanlan nito. Kahit paano, nagkamali mn siya sa kanyang mga desisyon, nagbibigay pa rin ito ng inspirasyon sa mga taong patuloy na lumalaban kahit gaano pa kahirap. Lubos na kailangang mabigyang halaga ang utak sapagkat nilalabanan nito ang mga maling pag iisip at pinipilit na pinapalitan ng masasaya at magagandang ala-ala. Minsan sa buhay, kagaya ng utak, kailangan lng natin ng pahinga, at pagkatapos nating makapag ipon ng sapat na lakas, at maayos na daloy ng pag iisip, ay saka natin itutuloy ang awit ng buhay. Tuloy ang laban!