Sa ating paglalakbay, ang paa ang may pinakamabigat na parte. Kahit anong daan ang tatahakin, hindi tayo iiwanan nito. Ito ay siyang mismo gumagabay sa atin sa ating pupuntahan. Ang paa ang nagdadala sa atin sa ating patutunguhan.
Kahit gaano kasaya at kaganda ang paglalakbay, hindi maiwasang maligaw ang landas. Hindi tayo mulat kung ano itong ating tinatahak. Bulag tayo sa mga ginagawa natin sapagkat akala natin ito'y makabubuti pero makakasakit pala sa atin.
Datapwat ang paa rin ang dahilan kung bakit may umalis, at may iniwan dahil mas pinili nilang umalis kesa sa manatili. Ngunit sa pag alis, may bagong darating. Bagong paa, na mananatili, wala ng pake kung mag tatagal ba ito o hindi, ang mahalaga ay nagdulot ito ng kaligayahan kahit saglit lang.
Dahil dito may mga nadapa at mayroon ding bumangon. May mga lumalaban, kahit na mahirap, kinakaya.
Ngunit dahilan din ng ating mga kaligayahan ay ang ating mga paa. Sa likod ng mga problema kaya paring tumayo at bumangon. Ganiyan ka lakas ang mga paa.
Ang buhay ay hindi perpekto, sa landas na ating tinatahak, lahat tayo ay nagkakamali, saan mang dako tingnan. Kaya ating pahalagahan ang mga sakripisyo ng mga paa. Huwag tingnan ang mga masasamang bagay, pagkat iyon ay bahagi na ng nakaraan, na dapat nang kalimutan, at pagkuhanan ng magaganda at masayang ala-ala at mga aral.
Maaari nating gawing inspirasyon ang mga paa, sapagkat kahit pagod na, tuloy parin ang laban.