Labi

65 7 0
                                    

Mga labing sing pula ng rosas, ay gumaganap ng maraming mga bahagi. Hindi maikubli ang palagiang nakangiti, ngiting nagbibigay ng kulay sa buhay at kapag nasilayan ng iba'y sobrang ligaya ang nadarama. Ang labing nakangiti, ay tuwang-tuwa, humahalina na parang bulaklak sa harden na humahalimuyak sa ganda at walang katumbas na halaga ang taglay na kaligayahan.

Sa mga ngiting maliwanag ay mayroon ding lalim na nasa likod ng magagandang tanawin. Minsan, ang mga labi ay mapanlinlang. Kaya nitong itago ang lahat ng problema at kalungkutan sa isang ngiti.

Minsan din, ang mga labing sing ganda ng mga langit, yun pala ay mapanghusga. Nakakasakit at sumosobra na. Hindi maiwasang maka bigkas ng mga salitang nakakasakit na.

Subalit, ang mga labi man ay hindi perpekto may katangian pa rin ito na bukod tangi. At yun ay ang makapagpasaya ng maraming tao. Dahil sa mga labi, bumubuo ang araw ng tao.

IMAHE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon