Isang importanteng parte ng katawan na labis nating kailangan, ang tenga. Gamit natin ito sa komunikasyon na siyang umaani ng impormasyon. Hinggil sa kaalaman ng iba na ang parteng ito'y napakahalaga.
Tenga lang ang nakaririnig ng mga magagandang tunog sa ating paligid dahil ito ay may kakaibang kisig. Mga huni ng ibon, pagsalpak ng mga alon, tunog ng kampana, halakhak ng mga kaibigan at iba pa.
Ngunit sa likod ng kasiyahang naririnig, tayo rin ay nasasaktan. Minsan ay nagugulat tayo sa ating mga naririnig na nga mapanghusgang salita. Sa halip na damdamin ang mga narinig, ipasok ito sa kaliwang bahagi at ipalabas sa kanang bahagi.
Kahit ano paman ang mangyari, ano man ang marinig, pahalagahan ang mga kagandahan ng nga tenga. Palawakin ang imahinasyon, ang mga simpleng bagay na ating naririnig ay maaaring mabigyan ng kulay.