Kamay

61 8 0
                                    

Ang paghawak ng maraming responsibilidad at obligasyon na ginagawa ng kamay ay tulad ng batong sinusubukang maging mamon, hindi madali, ngunit hindi rin imposible. Walang iba ang nagtataglay ng ganitong katangian bukod sa kamay.

Hindi naging madali ang obligasyon ng mga kamay. Minsan, kahit pinipilit nating panghawakan ang mga bagay na tapos na, walang magawa ang mga kamay kundi ang kumapit, kahit masakit na. Dumadating sa punto na ito'y labis na nasasaktan at nasusugatan subalit tuloy parin ang laban.

Ngunit, sa isang saglit, nagbago ang lahat. Ang dating pinaniniwalaan na ang kamay ay hindi bumibitaw kahit anong mangyari ay wala na at minsan nalang mangyari. Kadalasan, kapag pagod na, hindi na kinayang kumapit pa at may mga panahon ding ito'y bumitaw na.

Maaaring inyong husgahan ang mga kamay at tawaging mahina dahil sa pagbitaw nito, ngunit lahat ng nangyayari ay mayroong dahilan at magandang idudulot; ang pag salubong ng bagong pag-asa at paglimot sa mapait na nakaraan dahil minsan sa buhay, may mga bagay talaga na dapat nang bitawan para sa ikabubuti.

IMAHE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon