Chapter 02

231 11 0
                                    

LAPTRIP ka, Sassa! Ha-ha! Pati ba naman sa damit, naaagawan ka pa rin?”

Lukot ang mukhang inirapan ni Sassa si Aryan na maiyak-iyak sa kakatawa matapos niyang ikwento sa mga kaibigan ang inabot niyang kamalasan sa mall n’ong nakaraang araw.

“Oo nga! Jusko! May ipaglalaban chenes ka pang nalalaman, ipinaubaya mo rin naman sa bandang huli 'yong damit!” Tumatawang segunda naman ni Taki sa kanya. “Hindi ko alam kung maaawa ako sa’yo o ano, eh!”

“Patayuan na kaya natin ng monumento 'tong si Sassa? Masyadong mapagbigay. 'Yong mga ganitong tao 'yong maganda pagawan ng monumento, eh!” Nagpipigil naman ng tawang sabi ni Luna na tinapik-tapik pa ang balikat niya. “Saan kaya maganda itayo ang monumento mo? Ah! Palitan natin si Bonifacio sa monumento circle. Monumento mo na lang ang ilagay natin d’on!”

“Manahamik ka, Luna! Baka gusto mong paliparin kita papuntang outerspace at magkita kayo ng mga kapwa mo buwan doon,” asar na sabi niya sa kaibigan.

“Eh, kung hindi ka rin naman kasi timang! Sinabihan na kita na kapag gusto mo, ipaglaban mo! Isa ka talagang invertebrate! Wala kang backbone,” nakangising alaska naman ni Italia sa kanya.

Iningusan ni Sassa si Italia at binato ng nilamukos niyang papel.

“Naman kasi, Sassa! 'Di ka matuto-tuto. Ilang beses ka na ba naming pinagsabihan? Kapag may gusto ka, gawin mo ang lahat para makuha mo. Whether it’s a thing or a person. Hindi naman masama ang gustuhin makuha ang mga bagay na gusto mo as long as you’ll get it fair and square,” sermon naman sa kanya ni Riva.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sassa at matapos ay pinaikutan niya ng mga mata ang mga kaibigan. “Tapos na girls. Nangyari na. Tama na ang homily. Don’t worry. Sa susunod, kung kailangan umabot sa korte ang pakikibaka para lang makuha ang gusto ko, gagawin ko.”

Napapailing na muling tinawanan siya ng mga kaibigan sa sinabi niya.
“Kailan ang susunod na 'yon, Sassa? Kapag naging apat na ang season dito sa Pilipinas?” Ani Italia na nakataas ang isang kilay.

Sumimangot siya. “Hindi imposibleng mangyari. Sa global warming ba naman, ewan ko na lang kung manatiling isang season na lang dito sa 'Pinas.”

Naramdaman niyang tinapik-tapik ni Taki ang ulo niya. “Hopeless case. Papagawan na kita ng autobiography sa kakilala kong writer nang malaman ng mga tao kung gaano ka ka-masokista.”

“Leech ka, Taki! Por que nakukuha mo palagi lahat ng gusto mo, ginaganyan mo 'ko!” Nakangusong sabi niya at nag-iinarteng humikbi.

Sa kanilang magkakaibigan ay si Taki ang masasabing kabaligtaran niya. Ito kasi ang tipo ng tao na kapag may ginusto ay gagawa at gagawa ng paraan para lang makuha iyon. Golden motto nito ang ‘What Taki wants, Taki gets’ kaya naman minsan ay nakakaramdam siya ng inggit dito. Nagagawa kasi nitong ipaglaban ang gusto nito hindi katulad niya na madalas magpaubaya.

“Tigilan mo kami sa kaartehan mo, Sassa! Hindi na bebenta sa amin 'yan. Kasalanan mo rin naman kaya ka naaagawan. Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa mga ginagawa natin. Mayamaya lang ay magbubukas na ang café natin at kailangan pulido ang grand opening natin!” Wika ni Riva at tumayo na.
Malalapad ang ngiting napatango silang lahat kay Riva bilang pagsang-ayon at tumayo na rin.

Excited silang lahat dahil ngayon ang grand opening ng kanilang café. Mayroon silang maliit na programang inihanda sa mga bisitang darating at may mumunting regalo sa mga magiging unang customer ng café. 

“Let’s do this, girls!”

KAHIT nakakaramdam ng pagod ay mataas pa rin ang enerhiya ni Sassa para asikasuhin ang mga bisita at customer ng Break-Up Café. Masaya siya dahil naging successful ang grand opening niyon.

Chasser L'Amour [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon