KANINA pa tunog ng tunog ang cellphone ni Sassa. Karamihan sa tawag na natatanggap niya ay mula kay Taki at Kyle. Ayaw niyang sagutin iyon dahil hanggang ngayon ay emotionally unstable pa rin siya dahil sa balitang natanggap niya tungkol sa mga ito. Hindi niya nga alam kung paano siya nakauwi ng bahay sa gan’ong estado, eh. Ngayon na kahit papaano ay nahimasmasan siya ay nagpapasalamat siyang nakauwi siyang ligtas.
Sa totoo lang ay gusto niya naman talagang makausap si Kyle at Taki. Gusto niyang marinig ang paliwanag ng mga ito. Kaso, natatakot siya sa maaaring marinig. Papaano na lang pala kung katulad niya ay tuluyan na ring nahulog si Taki kay Kyle kaya naman pumayag na itong ituloy ang kasal sa lalaki? Papaano na lang kung katulad ni Ranz ay pinaasa lang din pala siya ni Kyle? Na nilandi lang siya nito para asarin si Taki pero ang totoo ay ang kaibigan pala ang totoong gusto nito.
Maraming negatibong ideya ang pumapasok sa isip niya. Pero pilit din naman niyang kinokontra. Kilala niya si Taki at alam niyang hinding-hindi siya kayang traydurin ng kaibigan. Pero si Kyle? Hindi kaya masyadong nagtiwala rito at nagpadala sa mga kwento nito at hindi niya nakita ang tunay na pagkatao nito?
Napaluha na naman siyang muli.
Letse kang puso ka! Kumalma ka nga, please! Baka bigla ka na lang huminto sa pagtibok, ma-tegi pa ako!Tumayo siya sa kama. Pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili. Okay. Lalakasan na niya ang loob niya. Walang mangyayari kung hindi niya hahayaan ang sarili na makausap ang dalawa. Baka naman kasi wala namang kwenta ang inaatungal niya at may malalim na dahilan kung bakit lumabas ang balita tungkol sa pagpapakasal ng dalawa.
Tama na ang pag-iinarte, Sassa! Jusko. Whether it’s good or bad, you need to hear it from them, okay? For now, tama na muna ang pagiging Drama Queen.
Huminga siya ng malamim. Matapos ay dinampot ang cellphone. Pipindutin niya na sana ang call button para makausap muna ang kaibigang si Taki ng makatanggap siya ng text mula rito.
I’m sorry, Sassa…I just need to do this. I am left with no choice but to marry Kyle. I’m really, really sorry. I hope you can forgive me…
Aw, shit. Does she need to hear more? Does she need to talk to both of them if she will be hearing the same words that Taki texted?
To hell with them!
“FINALLY, you’ve answered my call! Nasaan ka ba? We’ve been looking for you for how many days! Are you hiding from us?”
“What do you think?” Mapaklang sagot ni Sassa kay Italia nang mapag-desisyunan niyang sagutin ang tawag nito.
Isang linggo na siyang nagtatago sa mga kaibigan. Ayaw niya kasing makita ng mga ito ang kamiserablehan na nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang makita si Taki. Pakiramdam niya kasi ay trinaydor siya ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakaharap ito.
“Hey, Sassa…I know…I know it’s not easy to accept it…but…” Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng kaibigan. “We miss you…”
She felt Italia’s sincerity on her words. Nangilid ang luha niya.Gusto niya rin naman na makita ang mga kaibigan, well, except for Taki. Gustong-gusto niyang maglabas ng sama ng loob sa mga ito, samahan siya ng mga ito na magpaka-gaga dahil sa nasasaktan siya. Iyon nga lang, ayaw naman niyang masira ng tuluyan ang pagkakaibigan nila. Oo. Masama ang loob niya kay Taki dahil sa ginawa nito sa kanya. Pero hindi naman niya gugustuhin na kamuhian nila Italia si Taki. After all, kahit anong sama ng loob ang nararamdaman niya, sa kaibuturan ng puso niya ay itinuturing pa rin niya itong isa sa matatalik niyang kaibigan.
“I miss you too, Lia…” Aniya at malungkot na ngumiti.
“Where exactly are you, Sassa? I want to see you…All of us want to see you…”
BINABASA MO ANG
Chasser L'Amour [Completed]
RomanceAng kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.