“AYOKONG sumama,” ani Sassa kay Taki matapos mapagpasyahang sagutin na ang pang-sampong beses na tawag nito.
Ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita sa Break-Up Café. Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob niya sa naging away nila ni Kyle. Dagdag na rin na masama rin ang loob niya sa mga kaibigan.
Nalaman niya kasi kay Luna na ang ikatlong kondisyon ni Taki kay Kyle ay sundan siya nito sa paglabas nila ni Ranz, na sinang-ayunan din ng iba pa nilang kaibigan. Sinabi pa ng mga ito kay Kyle na kapag nakita nitong ‘nahuhulog’ na naman siya kay Ranz ay umeksena na ito at tangayin na siya sa paalis doon.
Naiintindihan naman niya kung bakit gan’on na lang ang concern sa kanya ng mga kaibigan at ginamit ng mga ito si Kyle para mailayo siya kay Ranz. Pero masama ang loob niya dahil walang tiwala ang mga ito sa kanya. Alam niyang hindi naman siya pinaghinalaan ng mga ito na lalandiin niya si Ranz dahil na rin sa pag-uugali niya at mas nag-aalala lang ang mga ito na umiyak na naman siya sa bandang huli dahil napaasa na naman siya. Gets niya. Intinding-intindi niya kung saan nanggagaling ang concern ng mga ito. May kasalanan din naman kasi siya dahil hindi naman niya nasabi sa mga ito na naka-move on na siya. Pero kahit gan’on ay hindi niya pa rin maiwasan ang makaramdam ng pagtatampo sa mga ito.
Si Kyle naman, bukod sa nasaktan talaga siya sa mga sinabi nito sa kanya ay nadagdagan pa ang sama ng loob niya rito dahil nalaman niyang kumilos lang ito dahil sa utos ni Taki. Akala niya ay concern lang din ito sa kanya kaya naman hinila siya nito palayo kay Ranz. Iyon pala ay katulad ng nakagawian, uto-utong sumunod lang ito sa kondisyon ng baliw na kaibigan.
Pakiramdam niya ay hindi na lang crush ang nararamdaman niya sa lalaki. Kasi kung hindi, hindi naman siya masasaktan ng ganoon, 'di ba? Feeling niya ay mas masakit pa ang naging away nila ni Kyle kaysa n’ong nalaman niyang may girlfriend na si Ranz.
Malala na 'ata ang saltik niya sa utak. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng tao ay kay Kyle pa siya nagkagusto. Kay Kyle na pinaglihi sa sama ng loob at matalas ang dila.
“Sumama ka na, please? Miss ka na rin namin. Isa pa, birthday 'yon ni Rias. Gusto niya kumpleto tayo kaya sumama ka na,” pakiusap ni Taki sa kanya at narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
Birthday ng kapatid ni Taki na si Rias sa sabado. Magkakaroon ito ng maliit lang na selebrasyon sa resthouse ng pamilya nito sa Bohol kasama ang ilang mga kaibigan nito pati na rin silang mga kaibigan ni Taki.
Ang totoo niyan ay nakatanggap na siya ng imbitasyon kay Rias. Ngunit hindi pa siya sumasagot dito. Nahihiya rin naman siya na hindi pumunta dahil nakababatang kapatid na rin ang tingin niya rito. Iyon nga lang ay nagtatampo pa rin siya sa mga kaibigan niya kaya umiiwas siyang makita ang mga ito.
“Sige ka. Magtatampo talaga sa’yo si Rias kapag 'di ka nagpunta,” dagdag pa ni Taki.
Napabuntong hininga siya. Bukod sa hindi niya matitiis si Rias ay hindi rin naman niya kaya manatiling nagtatampo sa mga kaibigan. Ilang araw din siyang umiwas kaya naman miss niya na rin ang mga ito.
“Fine,” aniya at bumuntong hininga muli.
“Yey! Thank you, Sassa! See you! And miss you so much!” Maligayang wika ni Taki.
Tuluyan na siyang napangiti. “Miss you too.”
TINANGGAL ni Sassa ang kanyang sandalyas sa mga paa. Tuwang-tuwa siya na parang bata na nakipaghabulan sa along humahalik sa dalampasigan.
Mabuti na lang at hindi na siya nag-inarte pa at sumama sa selebrasyon ng kaarawan ng kapatid ng kaibigang si Taki. Ilang beses na rin silang nakarating sa resthouse na iyon ng pamilya ni Taki. At hinding-hindi talaga siya magsasawa na makita ang mangasul-ngasul na dagat at puting buhangin doon.
BINABASA MO ANG
Chasser L'Amour [Completed]
RomanceAng kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.