Chapter 07

190 11 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Sassa nang mabasa ang natanggap na text. Hindi niya alam kung ano ang ire-reply niya roon. Pwede siyang sumagot na “okay” or pwede rin namang “ayoko nga”.

“Pupuntahan mo?” Napaangat ng tingin si Sassa kay Italia. Nakasilip ito sa kanyang cellphone kaya malamang nabasa nito ang text.

Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa niya at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng mesa. “Oo?”

“Gaga! Pupuntahan mo talaga? Eh, 'di ba nga pinaiyak ka niyan? Masokista ka talaga ng taon!” Umiikot ang mga matang wika ni Italia at pinameywangan siya.

Napasimangot siya. “Maka-gaga naman 'to! Eh, ano naman? 'Di naman naging kami. Ako lang ang makakaramdam ng awkwardness kung sakali. 'Tsaka nakakahiya naman kung sakaling tumanggi ako. Baka sabihin, iniiwasan ko siya.”

Ang totoo niyan ay nakatanggap siya ng text kay Ranz. Sinasabi nito na gusto nitong makipag-bonding sa kanya dahil ‘miss’ na raw siya nito at gusto siya nitong ipakilala sa girlfriend nito.

Okay lang naman na sa kanya kung sakali. Wala na rin naman siyang nararamdaman dito kaya okay lang makipagkita rito. Pero isang parte niya ang umaayaw. Kahit naman kasi na sabihing move on na siya rito, nandoon pa rin ang inis niya dahil pinaasa siya nito. Isa pa, ipapakilala pa siya nito sa babaeng naging dahilan kung bakit insekyora na naman siya.

“Ewan ko sa’yo, Sassa! Ipagtitirik ko na lang ng kandila 'yang puso mo mamaya. Paniguradong deads na naman 'yan kapag nakita mo ang malandot na lalaking iyon,” nakaingos na wika ni Italia at nilayasan na siya. Ni hindi man lang nito tinapos ang paglilinis sa katabing mesa ng nililinisan niya.

Napailing na lang tuloy siya. Palibhasa kasi akala ng mga kaibigan niya ay nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon kay Ranz kaya gan’on na lang maka-react ito.

Kung alam niyo lang friends. Iba na ang apple of the eye ko, jusme!

HINIHINGAL na huminto si Sassa sa pagtakbo at nakangiting sinalubong si Ranz. Late na kasi siya ng halos isang oras dahil tumulong pa siya sa mga gawain sa café. Isa pa ay panay ang talak sa kanya ng mga kaibigan na huwag siyang makipagkita kay Ranz pero dahil naka-oo na kasi siya ay sumige pa rin siya.

“Sorry for being late,” aniya rito at huminga ng malalim para kalmahin ang baga. “Kanina ka pa ba?”

“It’s fine, Sassa. Do you want to rest muna? Mukhang napagod ka sa pagtakbo,” nakangiting wika sa kanya ni Ranz.

Umiling siya. “Okay lang ako,” nakangiting sagot niya at inikot ang paningin. Napansin niyang wala itong kasama. “Nasaan na ang girlfriend mo? Akala ko kasama mo siya?”

“Erin’s not here. Unfortunately, nagkaroon ng emergency meeting sa pinapasukan niyang trabaho kaya hindi siya makakarating,” paliwanag nito.

Somehow, Sassa felt relieved. Siguro kasi ay ayaw niya talagang makilala kung sino ang babaeng pinalit sa kanya ng paasang lalaki.

“So, anong gagawin natin?” Mayamaya’y tanong niya.

Kasalukuyan silang nasa MOA. Doon kasi napili ni Sassa na makipagkita kay Ranz. At katulad ng inaasahan niya ay napakaraming tao roon.

“Hmm, we can watch a movie and then kung gusto mong mag-ice skating, we can try that too,” nakangiting sagot nito.

Nakangiting napatango siya rito. Gusto niya ang ideya nito. “Okay. Let’s go!”

Ranz came to her and to her surprise, hinawakan siya nito sa kamay.

“I’m sorry. Habits are really hard to break,” apologetic na wika ni Ranz sa kanya na napansin siguro na natigilan siya nang hawakan nito ang kanyang kamay.

Chasser L'Amour [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon