“TAAAAAAAAAAAKIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!”
Halos lahat ng mga customer ng Break-up Café ay napabaling ang tingin kay Sassa dahil sa lakas ng sigaw niya. Kahit na sina Riva at Aryan na abala sa pag-asikaso sa ibang customer ay kunot ang mga noong napadako ang tingin din sa kanya.
Nagmamartsa siyang naglakad patungo sa baliw na kaibigan. Para bang hindi siya nito narinig at patuloy ang mga daliri sa pagtipa sa piano ng isang malamyos na musika.
Halos tatlong araw din niyang hindi nakita si Taki. At alam niyang pinagtataguan siya nito. Hindi kasi nito sinasagot ang text at tawag niya at sa tuwing pag-uwi niya galing trabaho ay hindi niya ito naaabutan sa café.
Kaya ngayong araw ay nagdesisyon siyang mag-half day sa trabaho para lang maabutan niya ito. Alam niyang wala itong gig ngayon dahil nasabi nito sa kanila n’ong nakaraan na isang buwan itong magpapahinga para makapag-compose ulit ng mga bagong kanta.
Nang makalapit siya rito ay nakasimangot na humalukipkip siya sa harap nito. Nag-angat lang ito ng tingin sa kanya at ngumiti. Imbes na kausapin siya ay nag-umpisa itong tumugtog ng bagong piyesa at umawit.
“I’m your average dreamer, I’m a true escapist, always expecting a happy ending…Maybe I’ve been watching, too many movies. Maybe I should grow up and stop pretending…”
Somehow, the song Taki is singing is piercing through her. It’s as if it’s reprimanding her. Of what? That’s exactly what she wants to know.
But truth is, you know the answer, Sassa.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi iyon ang tamang oras para pagnilay-nilayan ang buhay niya. Ang kailangan niya ngayon ay batukan ang kaibigan sa kabaliwang naisip na naman ito.
Tumabi siya kay Taki at sa inis niya ay sinabayan niya ito ng tipa sa tiklado. Gumawa iyon ng ingay na masakit sa tenga kaya naman napahinto si Taki sa pagtugtog. Nakita niya sa kanyang pheriperals ang masamang tinging ibinabato sa kanya ng mga customer dahil sa ginawang niyang pagputol sa pag-awit ng kaibigan ngunit wala siyang pakialam. Kung alam lang nga mga ito kung gaano kaluwag ang turnilyo ni Taki sa utak ay baka kumalas ang mga ito sa pagiging fan nito.
“Problema mo, Sassa?” Instead na magalit, amuse na tiningnan pa siya ng kaibigan.
Sinamaan niya ito ng tingin at hinawakan ang kamay. Matapos ay hinila niya ito palabas ng café. Nakita niya pa na sumunod sa kanila si Aryan at Riva.
“Anong nangyayari, Sassa?” Kunot-noong tanong ni Riva sa kanya nang makarating sila sa likod ng café.
“Itong magaling niyong kaibigan tinamaan na naman ng kabaliwan,” inis na sabi niya at nakahalukipkip na hinarap si Taki. “Kung gusto mong pahirapan ang bakulaw na Kyle na 'yon, 'wag mo na akong idamay, Taki! My gosh! Ka-stress kang babaita ka!”
Humalakhak ang mga kaibigan niya sa sinabi niya kaya naman napakunot ang kanyang noo. Base sa reaksyon ng mga ito, mukhang alam na ng mga ito ang kalokohang ginawa ni Taki.
“Why, Sassa? I’m just adding spice to your life. Para naman madaling maghilom ang sugatan mong puso dahil sa letseng Ranz na 'yon. If you help Kyle, mae-entertain ka na, makakalimot ka pa agad. And as for Kyle, mas madali siyang makakawala sa conditions ko. It’s a win-win situation for both of you,” ngising-aso na sabi ni Taki sa kanya.
“I can deal with my own heartbreak, Taki! Hindi mo na kailangang makialam!” Gigil na sabi niya.
To be honest, hindi na nga niya masyadong iniinda ang nasaktang puso dahil sa makating Ranz na iyon. At okay na rin siya. Ni hindi na nga niya maramdaman na nasaktan siya dahil sa lalaking iyon. Maybe it was just a fleeting love. Or maybe, it was just a plain admiration afterall. At nasaktan lang siguro talaga ang ego niya dahil kasabay ng paglandi nito sa kanya ay meron pa itong ibang inuuto tulad niya.
BINABASA MO ANG
Chasser L'Amour [Completed]
RomanceAng kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.