NAPATINGIN si Sassa sa orasan ng computer niya. At napailing siya nang makitang alas otso na pala ng gabi. Hindi na naman niya namalayan ang oras. Kapag tutok talaga siya sa ginagawa niya ay para siyang may sariling mundo at hindi iniintindi ang paligid.
“Bukas ko na nga lang tatapusin ito,” aniya sa sarili at pinatay na ang computer.
Si Sassa ay isang sikat na interior designer bukod pa sa pagiging isa sa may-ari ng Break-up Café. Nagtatrabaho siya sa isang malaking kompanya sa Makati at halos lahat ng naging kliyente niya ay may mga sinabi sa buhay.
Kung tutuusin ay kaya na niyang magtayo ng sarili niyang firm. Kahit kasi na bata pa siya at baguhan sa industriya ay marami nang nakakakilala sa kanya dahil sa husay niya sa larangang iyon.
Ang totoo niyan ay siya rin ang nag-interior design sa Break-Up Café. At natutuwa talaga siya sa magagandang feedback na naririnig niya sa mga customer nila sa tuwing nababanggit ang magandang interior ng café.
Matapos masigurong patay na ang kanyang computer ay umalis na siya sa kanyang cubicle. May nadaanan pa siyang ilang mga katrabaho na mukhang katulad niya ay may hinahabol na deadline dahil naroon pa ang mga ito at nakasubsob sa kanya-kanyang mga computer. Nagpaalam siya sa mga ito at matapos ay lumabas na ng opisina.
Pagkababa niya sa lobby ng building ay napakunot ang noo niya nang makita ang isang pamilyar na pigura ng lalaki na nakatalikod sa kanya. May kausap ito sa cellphone at base sa kilos nito kahit nakatalikod ay iritable na naman ito.
Anong ginagawa ng bakulaw na 'to rito? Nakataas ang kilay na tanong niya sa isip.
Naglakad na siya papunta sa exit door ng building. Hindi na lang niya papansinin ang lalaki. Baka ma-highblood na naman siya kapag nagkabanggaan na naman sila nito. Isa pa, baka mayroon lang itong business sa building na iyon kaya ito naroon.
Nalagpasan na niya ang lalaki nang marinig niyang tawagin siya nito.
“Sassa!”
Don’t look back, Sassa. Tandaan, ang BP. Kailangan palaging healthy. Kapag nakaharap mo na naman ang bakulaw na 'yan ay baka tumaas na naman ang altapresyon mo!
Wala sana siyang balak tumigil sa paglalakad pero napapreno na lang siya nang maramdamang may humawak sa kanyang braso.
Kunot noong nilingon niya kung sino ang humawak sa kanya at napabuntong hininga na lang siya ng marahas nang makita ang iritableng mukha na naman ni Kyle.
“Anong kailangan mo?” Mataray niyang tanong.
Kalma, Sassa, kalma!
Kyle heaved an exasperated sigh bago nito binitiwan ang braso niya. “I need to talk to you,” anito.
“I have nothing to say to you.”
“But I have something important to say to you.”
Napahalukipkip siya. At ano naman kaya ang kailangan ng lalaki sa kanya?
“Ano 'yon?”
Nagpalinga-linga si Kyle bago siya sinagot. “Can we talk in other place?”
Mataray na umiling siya. “If you have something to tell me, tell it to me right now. Don’t waste my time, Mr. Chua.”
Mas lalong nalukot ang mukha ni Kyle dahil sa sinabi niya at halatang gusto na naman nitong makipagbangayan sa kanya pero nagpigil ito.
“I…” Kyle looked at her with hesitant and worn-out face.
“What?”
Naihilamos ni Kyle ang kamay nito sa mukha. “Look, Sassa. I…I need your help.”
BINABASA MO ANG
Chasser L'Amour [Completed]
RomanceAng kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.