Simula
Tumakbo ako at nagtago sa likod ng malaking puno. Nagdasal ako na sana ay hindi ako mahuli ni Kuya Ashton.
Nakita ko naman si Kuya Anderson sa isang puno na hindi kalayuan sa punong tinataguan ko. Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Asha! Kuya! Andyan na ako!" Sigaw ni Kuya Ashton. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang paghinga ko.
Sinilip ko siya at nakitang pumunta sa likod ng bahay. Kaya lumipat ako sa garden namin at gumapang.
"Ano ka ba? Madumi diyan, Asha!" Narinig kong bulong ni Kuya Anderson.
"Kuya?" Nilagay ko ang index finger ko sa bibig ko dahil narinig ko na ang tawag ni kuya.
"Tama na! Ayako na! Pagod na ako, tumayo ka na diyan!" Biglang lumabas si Kuya Anderson. Lumapit siya sa akin at pinatayo ko.
"Gusto ko nga maglaro!" I said.
"No! Nadudumihan kana!"
Umiyak ako at umupo sa damuhan.
"Asha! Kakaligo mo lang! Pahihirapan mo si mama maglaba." Sabi ni Ate Madi na kadadating lang. "Saka mag me-merienda na daw tayo."
Yumakap ako sa baywang ni Kuya Anderson at tiningala siya. "Kahit sa park lang? Hindi ko nidu-dumihan ang damit ko sa park." I assured him.
"Okay, pero pag katapos natin kumain, okay?" Tumango ako at ngumiti. Binuhat niya naman ako at tumakbo.
"Kuya! Big girl na ako! Put me down!" Tumawa lang siya at saka ako binaba noong nasa kusina na kami.
"Big girl! Ang big girl hindi na nagulong sa damuhan!" Umirap ako sa kanya. "Aba! Nagtataray kana ngayon ha!"
Pagkatapos namin kumain ay nagpalit muna kami ng damit. Naglakad lang kami papunta sa park.
Madaming tao pero makakapaglaro pa naman ako! Sana nandito ang mga friends ko!
"Kuya, gusto ko ng vanilla shake." Sabi ni ate kay Kuya Anderson.
"It's vanalla, ate." I said.
"What is vanalla, Asha?" Natatawang tawag niya.
"Vanalla!"
"Oh god! Baby, it's vanilla." Kuya Ashton said.
"Vanilla?"
"Yes,"
"Really? I thought it's vanalla."
"Asha!" Hinanap ko kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko ang mga kaibigan ko na kumakaway sa akin.
Kumaway din ako at tumakbo papunta sa sa kanila. "Hello! Kamusta na kayo?"
"Kanina pa kami dito. Akala namin hindi ka na pupunta." Nakangusong sabi ni Irish. Tumango naman sina Khian.
"Hindi! Nag play din kasi kami nina kuya sa amin, e!" Natatakot ako sa magalit sila sa akin kasi late ako!
"Pwede ba kaming pumunta sa inyo?" Tanong ni Eia. Siniko naman siya ni Trix.
"Joke lang!""Oo naman! My mama is not bad! My papa, too!" Maligaya kong sagot.
"Yung mga kapatid mo?"
Ngumuso ako. Bakit ba lagi nila akala na bad ang mga kapatid ko? They are the best!
"Mababait sila!"
Nagsimula na din kaming maglaro. Wala naman ginawa si ate at kuya kung hindi ang kumain. Si Kuya Ashton naman ay nagba-bike.
YOU ARE READING
The Queen's Heart (On- Going)
Romance"Finally, I got the queen's heart." -Euro Domminic Buenaflor