Kabanata 7
The dinner with them went very well. Ngayon ay nag-uusap matanda lang sina mama kasama ang parents niya.
Nasa likod naman kami sa likod nang bahay namin, sa may pool side. May round table doon na sakto para sa aming pito. May dalang beer sina kuya para sa kanilang lima. Hindi pa daw kami pwede ni... Euro dahil wala pa daw kami sa tamang edad.
May bunsong kapatid pa pala sila and she's just four years old, makulit, sobra.
"Malapit na birthday niyo, anong balak?" Biglang tanong ni Kuya Anderson sa akin pati kay Kuya Ashton. Kaya napatingin sa akin si Buenaflor na kalong-kalong ang kapatid. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"E-ewan ko," I'm really interested sa mga engradeng handaan.
Magkasunod lang kami ng birthday ni Kuya Ashton. Ang sabi nila ay pagkatapos ng birthday party ni kuya ay saka nag-inarte si mama. Ala una ng umaga nang nailabas daw ako. Masyado ko pa nga daw pinahirapan si mama. Nagalit pa nga daw si kuya dahil dapat daw ay magkabirthday kami.
"Party!" Sigaw ni Kuya Ashton. Masama ko siyang tiningnan kaya tumawa siya sa akin. "Hindi ko naman sila papupuntahin sa garden mo, madam!"
"Hindi mo din masasabi! Kung habang may party at naandon ka sa may gate ng garden, nagbabatay, ay papayag ako." Nagtawanan naman sina ate kaya napatingin din ako sa kanila. Nag-init ang pisngi ko nang maalala na hindi lang kami ang naandito. "K-kung gusto mo, mag hanap ka ng ibang lugar! Wag dito sa bahay."
"Bahay mo 'to?" Nang-aasar na tanong ni kuya. Huminga ako ng malalim at umirap na lang. Hindi ko siya magantihan dahil may ibang tao.
"What's up?" Boses ni Kuya Marc. Tumabi agad siya kay ate at nakipag kamayan na lang sa mga kapatid ni Euro.
Bigla naman lumapit sa akin ang kapatid ni Euro na babae. Nakangiti siya sa akin. Napangiti na lang din ako.
Tinuro niya ang mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok. Nagtaka naman ako. "Can you? Please?" Nakanguso niyang tanong. Nakuha ko naman agad ang gusto niya, gusto niyang ipitan ko siya.
"Eury," Tawag sa kanya ni Euro na hindi niya pinansin. Nakatingin pa din siya sa akin, naghihintay. "Eury Domileine!" Mukang galit na tawag sa kanya ni Euro.
Masama kong tiningnan si Euro dahil doon. Napatuwid naman siya nang upo. Tumingin ako sa kapatid niya at ngumiti. "What kind of style do you want?" I asked.
Tinuro niya naman ang buhok kong naka-loose braid. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tinaas niya ang mga braso niya at mukang nagpapabuhat. Tumawa ako at pinaupo siya sa gitna ko.
Naka short naman ako at malaking white t-shirt kaya hindi naman ako mahihirapan. Nagpalit din kasi ako pagkatapos ng dinner.
Sinimulan ko nang ayusin ang buhok niya habang siya naman ay abala sa paglalaro sa phone ko. Pag natawa siya ay nahihirapan ako pero kaya naman.
"Wag kang malikot. Hindi matatapos si Ate Asha mo." Napalingon agad ako sa gulat. Umupo siya sa tabi ko tiningnan din ako. Nag-iwas agad ako at pinagpatuloy na lang.
"Ate Asha?" Biglang tawag ni Eury.
"Hmm?" Sagot ko dahil nasa bibig ko ang pamuyod niya. Nagulat naman ako dahil biglang kinuha iyon ni Euro. "Ano ba?" Galit na sigaw ko sa kanya. Napatingin na naman samin ang mga chismosa kaya hindi na ulit ako nag-salita.
He giggled. "Are you mad?" Parang naiiyak na tanong ni Eury kahit hindi ko siya nakikita. Nagulat naman ako dahil doon.
"What? No. Why would I be mad to you, baby?" Malambing kong sabi sa kanya.
YOU ARE READING
The Queen's Heart (On- Going)
Romance"Finally, I got the queen's heart." -Euro Domminic Buenaflor