Kabanata 2

41 2 1
                                    

Kabanata 2

Pag katapos namin kumain ay hindi pa rin nagsasalita si Buenaflor. Parang nababag siya sa nangyari kanina.

Pag patuloy kang sumama sakin, ganan lagi ang makikita mo.

"Lagi kang may kaaway?" Biglang tanong niya. Pabalik na kaming dalawa sa upuan namin.

"Minsan lang. Pag ayaw sakin ng tao, sinusugod nila ako. Kahit na alam nilang matatalo at matatalo sila," Malamig kong sabmit. "Pero syempre pag mahina, pinapalampas."

"Hindi ka ba natatakot?" Galit niyang tanong. "Paano pag lalaki iyon?"

"I don't care."

Napabuga na lang siya ng hangin. "Can I join you again? Later?"

"Bakit?" Nakanguso kong tanong. Paglingon ko sa kanya ay nakataas na ang gilid ng labi niya. "Anong ningingiti-ngiti mo dyan?"

"Nothing," Natatawa niyang sabmit.

"Basta libre mo uli." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Fuck! Wag mo akong ngitian!

"Kahit araw-araw pa." Natutuwa niyang sabi. Hindi ko alam pero bigla akong napangisi.

Natigil lang kami sa pag-uusap nung dumating na ang guro namin. Tahimik lang din si Buenaflor at seryosong nakikinig.

Nakatingin lang ako sa bintana habang patuloy na nag tuturo si Sir. Ang ganda ng sikat ng araw, ang sarap tingnan. Nakakatuwa.

"Nakikinig ka ba?" Seryosong tanong ni Buenaflor. Lumingon ako sa kanya at tumango na lamang. "Kanina ka pa nakatulala e?"

Inirapan ko na lang siya at tumingin na sa harap. Kahit walang pumapasok ss isip ko ay nakatulala lang ako sa harap.

Hindi ko na napansin na tapos na pala mag turo ang guro namin. "We are having a short quiz! 10 seconds to prepare!"

"Shit!" Mahina mura ko! Wala akong naintindihan kahit isa! Anong isasagot ko dito? Kinuha ko na lang ang notebook ko at binuklat. Hayaan na! Ngayon lang naman toh.

Habang nagtatanong si sir ay nakatungo lang ako para hindi halatang hindi ako nagsasagot. Wala man lang akong maintindihan kahit isa!

Ngumuso na lang ako at pumikit habang nakayuko pa din. Nilingon ko si Buenaflor, may sagot siya simula una! Nahuli ko din ang tingin niya sa notebook kong walang sagot.

Umirap na lang ako at tinakluban! "Let's check!! Give your notebook to your seatmate!" Biglang sigaw ni sir. Swerte ka Buenaflor, hindi ka mapapagod.

Kinuha ko ang notebook niya at inabot sa kanya ang akin. Napangisi ako ng magsalubong ang kilay niya habang tinitingnan ang notebook ko.

"You're welcome," natatawa kong sabi sa kanya. Nagsimula ng sabihin ni sir ang mga sagot. Tama siya lahat!! Wala man lang erasure na parang sure na sure siya sa sagot niya!!

"Ibalik nyo na sa may-ari at kukunin ko na ang score!" Umupo na siya at binanggit na ang surname ng mga lalaki. Pang lima sa tatawagin si Buenaflor.

Pagkakuha ko ng notebook sa kanya ay nagulat ako ng may sagot na iyon! May notes pa!

"Buenaflor?"

"15!"

"Very good." Mahinahong puri sa kanya. Edi wow!

Nakanganga akong nakatitig kay Buenaflor. Lumingon naman siya sa akin at nagtaas ng kilay. Tumingin siya sa notebook ko bago sa akin.

"Makinig ka sa susunod, pwede? Pinasakit mo kamay ko e." He said. Hindi ko naman sinabi sa kanyang sagutan niya a!

The Queen's Heart (On- Going)Where stories live. Discover now