Kabanata 1
Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Tingin sa harap. Okay, Asha. Maganda kana.
"Asharylle!! Ano ba hindi kapa ba aalis?! Mahuhuli kana sa klase mong bata ka!" Sigaw ni mama mula sa baba. Kinuha ko na ang bag ko at tumakbo na agad pababa.
"Alis na po ako, Ma!!" Sigaw ko pag kalabas ko ng bahay. Nasa labas na pala ang mga kaibigan ko at iniintay ako.
"Asha!! Ang tagal mo naman," nakangiwing sabi ni Eia.
"Sorry, hindi ko kasi napansin ang oras e." Nahihiya kong sabi. Lagi naman ganito e. Kahit matagal ako, iniintay pa din nila ako para sabay sabay kaming maglalakad papuntang school.
Pagdating namin ng school ay pinagtitinginan na naman ako. I really hate this kind of attention.
"Iba talaga pag Nievez, maganda." Ayan na lang lagi naririnig ko. Alam kong ako yun. Dahil ako lang naman ang Nievez sa campus!
Hindi ko na lang binigyang pansin ang mga lalaking bumabati sakin. "Ang sungit mo naman, Asha!! Ang ga-gwapo non ah!" Hirit ni Trix, isa din sa mga kaibigan ko.
"Gwapo nga, manloloko naman," Sabi ko bago sila hinarap dahil sa tapat na ako ng classroom ko. "Sige na pumunta na kayo sa room nyo. Mamaya na lang," Nginitian ko sila bago nag patuloy sa pagpasok.
Sakto namang pag-upo ko ay pagpasok naman ni Sir Marc. "Magandang araw, Grade 10!" Panimula niya. "Nabanggit ko naman sa inyo na mag kakaroon kayo ng bagong classmate, hindi ba? Siya ay anak ng isa sa pinakamayaman sa ating province."
Biglang pumasok ang isang lalaking moreno, maganda ang pangangatawan, makapal na kilay, matangos na ilong at mapulang labi. And damn! His freaking brown eyes.
"Euro Domminic Buenaflor, 16." Masungit at maikli niyang sabmit. Bakit dito pa siya pumasok kung mayaman naman ang pamilya nila? Want to empress everyone, eh?
"Where are you from?" Hindi ko mapigilang tanong. Napatingin sakin ang magaganda niyang mata na may halong pagtataka.
"From Manila," Sagot niya habang hindi pa din inaalis ang tingin sakin. Hindi din ako bumitaw ng tingin sa kanya.
"Why do you want to study here? I mean you're rich, so, why here?"
"Can't I study here, miss? I want to study here to experience new enviro---" Daming sinasabi.
"Okay," Inirapan ko na lang siya at tumingin sa bintana. Naabutan ko naman ang matalim sakin ni Kuya Marc. Nginusuan ko lang siya at di na sila pinagtunan ng pansin.
Halata naman na gusto lang ng atensyon para mapag-usapan siya sa buong campus! Buenaflor, huh? Apilyido pa lang manloloko na!
"You can sit next to Miss Nievez, Euro." Ani Sir Marc. Mabilis ko siyang nilingon sa gulat! Pinandilatan niya ako ng mata! Aba! Susumbong kita kay ate!
"Hindi ko siya kilala," malamig na sabmit ni Buenaflor. Ako? Hindi niya kilala? Wow! Bumalik kana sa Manila oi!
Tinuro naman ako ni Sir Marc. Tinaasan ko ng kilay si Buenaflor at inirapan. "Mukang ayaw din naman niya. Sa iba na lang, pwede?" Sabi niya habang tinitingnan ako. Aba! Mabuti pa nga!
"No!" Tiningnan na naman ako ng masama ni Sir Marc. "Gusto mo man o hindi diyan siya sa tabi mo uupo, Asha!" Galit niyang sigaw.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano? Baka masabihan pa ng bastos! "May narinig ka bang sinabi kong wag kang umupo dito? Wala naman diba?" Pagtataray ko.
Namula ang kanyang pisngi at dare daretsong nag lakad patungo sa upuang nasa tabi ko. "Ang galing mo mamahiya, ah?" Galit niyang bulong habang nakatingin kunwari sa harap.
YOU ARE READING
The Queen's Heart (On- Going)
Romance"Finally, I got the queen's heart." -Euro Domminic Buenaflor