Kabanata 8
Ang bilis ng panahon. It's been two months simula nang ligawan ako ni Euro. Hindi pa rin ako pinapansin ng mga kaibigan ko. Sinubukan ko silang kausapin para ipaliwanag na sa kanila ngunit sila mismo ang nalayo. Tinatawag ko sila ngunit ngingitian lang nila ako tas aalis narin. Parang wala kaming pinagsamahan. Pinalit ata nila si Lee sa akin!
Sinabi ko narin kay Euro ang nangyari noon. He tried to talk to them. Pero wala, ganun parin. After one month of trying to talk to them, i gave up. Nagmumuka na akong tanga.
Simula noon ay laging si Euro ang kasama ko. Minsan kasama si kuya at ang mga teammates niya. Nagmumuka tuloy akong tomboy! Pag hindi naman sila ay ang mga classmate ko. Halos maging magkamuka na kami ni Euro! Dahil tuwing walang pasok ay nasa bahay namin sila lagi nina ate niya.
"Naririnig ko na iniisip mo," He chuckled. I give a small smile. "Come on, tell me."
I sighed, "I miss them," I whispered. "Ang saya sana kung kasama din natin sila ngayon."10 pm na ng gabi. Kasama namin si Eury na tulog na. Naghihintay kami na makumpleto ang mga bus. Tour namin ngayon. Sinama si Eury dahil lagi siyang umiiyak kapag nalalaman niyang kami lang dalawa ng kuya niya.
Pero hindi siya hiwalay sa amin ng kuya nang upuan. Kalahati lang ang pinabayad ng dean namin dahil bata pa naman daw.
Pangalawa sa dulo kami uupo ni Euro dahil sa huli ang section namin. Sa harap naman ay ang section nila. You know.
"Aren't you happy with me, huh?" Nanghihinang tanong ni Euro. My lips parted. He's been with me for 2 months. Hindi niya ako iniwan hangga't hindi ako nagiging okay.
"I'm happy! Why are you thinking like that?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at ngumuso. "I'm thankful that... you're here." Mahina kong sabi.
Narinig ko naman ang paghinga niya, "Damn, I'm starting to fall for you. Harder, baby." Tumawa na lang ako sa kanya.
Tinawag na kami na pwede na daw sumakay kaya binuhat niya si Eury sa isang braso niya habang higit-higit ang maliit na pink na maleta ni Eury at nakasabit ang backpack nito sa balikat niya. Ang kanya at ang akin naman ay ako na ang humihigit.
And because he's so maarte, nang malaman niyang maliit na maletang black ang akin ay bumili pa siya na katulad na katulad ng akin!
Nakatabi ko pa si Daniel habang naghihintay na mailagay ang bagahe namin sa compartment. Ang awkward! Napansin ata 'yon nu Euro kaya hinawakan niya ang balikat ko at nakipagpalit sa akin ng pwesto.
Nang mailagay na ni Euro ang luggage ay sinunod niya na ang amin. Namataan kong nakamulat na si Eury at hinanap agad ako. Ngumiti ako sa kanya kaya kumaway siya sa akin.
"Muka kayong pamilya." Kumunot ang noo ko sa kaklase kong humagikgik sa tabi ko. Inirapan ko na lang siya. "Ang sungit naman ni mama."
Si Euro ang naka upo sa window sit. Si Eury naman ay nakakalong na naman sa kanya. Hindi ako umupo sa may window dahil mahihirapan ako makipag-daldalan.
Si Eury ay walang ginawa kung batiin lahat. Naka P.E uniform kaming lahat. Si Eury ay naka-terno pajama. Mamaya ko na lang siya papalitan kapag nagstop- over na kami.
"Asha!" Rinig kong sigaw ni kuya sa mga nagsisiksikang tao sa gitna.
"Ano? Sa likod!" Sigaw ko rin. Hindi nagtagal ay nahanap niya din ako. May nakasabit sa balikat niyang bag na ang laman yata ay puro pagkain. Ang isang braso niya naman ay may hawak na unan.
"Kakainin mo lahat yan!" Bulyaw niya habang nilalagay ang bag sa may paanan ko. "Ito unan! Akin yan! Nilabahan ko pa! Wag mo papagamit sa lalaking yan! Share na lang kayo ni Eury! Diba?" Nag baby talk pa siya kay Eury na tumango sa kanya. Si Euro naman ay nakasimangot.
YOU ARE READING
The Queen's Heart (On- Going)
Romance"Finally, I got the queen's heart." -Euro Domminic Buenaflor