May isang napakagandang babae ang pumanaog sa hagdanan. Dala dala niya ang pinakamagandang ngite na siyang napatulala sa mga kalalakihan. Siya si prinsesa Asvet ang prinsesa ng Lux light kingdom. Kahanga kahanga ang taglay niyang kagandahan kaya maraming lalaki ang gusto siyang pakasalan pero hindi siya papasok sa isang relasyon lalong lalo na't wala pa siyang napupusuan. Yung lalaki na makasama niya habambuhay. Yung lalaking mismo ang nakapagpapatibok sa kanyang puso."Ama, Ina" ginawaran niya ng halik sa pisnge ang kanyang mga magulang na siyang ikangite nila.
"Ang ganda mo anak" tugon ng kanyang ina. Napangite naman siya.
"Alam ko na po iyon ina" aniya.
"Maligayang kaarawan anak" niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ama at nagpasalamat.
Ngayong araw ay ang kanyang labing walong kaarawan. Pinagdiriwang sa buong Lux light kingdom at saksi iyon ng buong kaharian. Nandito lahat ang ibat ibang kaharian. Ang lux light kingdom ay may 6 na kaharian. Ang lux light kingdom ang pinakamaganda, at pinakamakapangyarihan sa lahat. Maliban sa isa, ang Dark trachennen kingdom.
Ito ang kanilang kaliban. Ang nag iisang kaharian na puno ng mga masasamang tao at masasamang kapangyarihan. Hindi pwedeng pumasok ang light sa dark, maski na ang dark sa light dahil kapag nangyari iyon mamamatay ang isa sa kanila o may mapapahamak depende sa sitwasyon.
"Princess Asvet dito" napalingon ang prinsesa sa pinangalingan ng boses na yun at nakita niya ang tatlong kababaihan na magaganda rin.
"Maligayang kaarawan sayo prinsesa Asvet" napangite siya sa tatlo niyang matalik na kaibigan.
"Ano ka ba naman prinsesa Natasya hindi mo na kailangang gawin yan ang yumuko ka" napatawa siya sa ginawa ng kanyang kaibigan. Pareha lang naman silang prinsesa.
Prinsesa Natasya. Matalik niyang kaibigan at ang prinsesa ng mga tubig. Isang prinsesa na taglay ang kagandahan kagaya sa malinaw na tubig.
"Hehe bilang paggalang iyon prin-"
"Asvet. Ilang ulit ko ba sasabihin sa inyo na Asvet lamang ang itawag niyo sa akin. Wag na ang prinsesa. Atsaka pareha lang naman tayong prinsesa at magkaibigan tayo. Kaya hindi kailangan ang masyadong pormal" natatawa niyang sabi. Kaya natawa nalang ang tatlo niyang Kaibigan.
"Osige sabi mo eh" siya si Laura ang prinsesa ng mga lupa. Isa ring prinsesa na nagtataglay ng kagandahan katulad ng mga bulaklak na namumukadkad.
"Alam mo ba Asvet na kanina ka pa tinitignan ni prinsipe Alagor. Ang ganda mo kase e" siya naman si prinsesa Reign prinsesa ng mga barrier. Sila ang pumoprotekta sa kaharian. Namumukad tangi ang kanyang kagandahan sa suot niyang nagliliwanag na gown.
Tinignan ni Asvet kong tama ba ang sinasabi sa kanya ni Reign. Kanina pa kasi daw tumitingin si prinsipe Alagor sa kanya, ang eprinsipe ng mga kidlat. Oo nga dito nga siya nakatingin pero hindi naman siya ang tinitignan niya. Napahagikgik siya.
"Hindi naman niya ako tinitignan Reign. Kundi ikaw. Oo dito nga siya nakatingin pero hindi ako ang tinitignan niya, kundi ikaw" ng sabihin niya iyon ay bigla nalang namula ang kanyang kaibigan. Mas lalo tuloy siyang napatawa halata kasi na may gusto ang kaibigan niya sa prinsipe. Hindi naman niya masisisi ito gwapo naman na talaga ang prinsipe pero hindi niya ito tipo.
"Maiwan ko muna kayo" sabat niya.
"Bakit saan ka pupunta Asvet?" Takang tanong ng kanyang kaibigan na si Natasya.
"Magpapahangin lang ako" tumango ang kanyang kaibigan. Kaya tumalikod na siya. Kumawala muna siya ng malakas na buntong hininga bago lumabas ng kaharian. Isang malamig na hangin agad ang sumalabong sa kanya. Nilalanghap niya ang sariwang hangin na tumatama sa kanya.