chapter 2

1 0 0
                                    

Sapphira POV

"What the heck! Bakit mo kami dinala dito?" Ng makaabot kami sa aming destinasyon ay agad na sumigaw si Marian.

Nakikita ko ang kaguluhan sa kanilang mga mukha. Pati na rin ang takot at nahahalata ko talaga na ayaw nila sa lugar na to. Haays.

"Ano ba kayo safe dito okay. Walang mangyayaring masama sa atin dito." Mahinhin kong sabi. Pero di parin nawawala ang kanilang expression sa kanilang mga mukha.

"Ano?! Are you insane? Paano ka naman pasisiguro na ligtas tayo dito? Ano ka ba naman Sap ilang metro lang ang layo sa dark forest. Tapos sasabihin mong ligtas tayo dito. Paano kong may kalaban dito ha?" Hysterical na sabi naman ni Flora habang nakatitig sa dark forest at biglang pipikit na para bang may nakitang masama. Napailing nalang ako. Jusko naman bakit ko ba naging kaibigan ko tong mga to? Haays.

"Alam niyo ang oo.a niyo. Sabing walang mangyayaring masama sa atin e. Protektado ang buong lux light kingdom baka nakakalimutan niyo? Tssk." Sabi ko. Malapit na akong maiinis sa kanila ha. Akala mo hindi mga prinsesa may mga kapangyarihan naman ang mga babaeng to.

"Oo alam namin yun pero ang amin lang is paano kong malaman to ng mga punong kunseho at ng mga magulang natin? At pinoprotektahan ka lang namin Mahal na prinsesa." Aniya ni Yanna. Napakagat ako ng labi.

"Malalaman nila kapag may nagsabi sa kanila. Bakit isusumbong niyo ako?" Nakataas kong kilay na sabi. Nagkatinginan naman sila sabay iling kaya napangite ako. "Ganun naman pala e. Wala ba kayong tiwala sa akin? Magtiwala lang kayo okay. Atsaka hindi niyo na kailangan pang proteksyonan ako kaya ko na ang sarili ko." Napabuntong hininga nalang sila kaya malapad akong nakangite. Ako ang nagwagi kaya wala na silang magawa hehe.

"So anong gagawin natin dito? Tutunganga?" Nakapalumbabang sabi ni Jilly. Napakunot ang noo ko sabay hinawakan ang chin ko habang nag iisip kong anong gagawin sa hardin na ito.

"Ah alam ko na! Gagawa tayo ng tree house!" Masigla kong sabi.

"Waaah gusto ko yan Sapphira!" Pero tela yata si Haizel lang ang sumang ayon sa kanila. Ano ba naman yan!

"Ano mga prinsesa? Sigee na ngayon lang naman ako hihingi ng pabor sa inyo e." Napanguso kong sabi.

"Oo na oo na! May magagawa pa ba kami? Tssk." Inirapan lang ako ni Jilly. Kaya wala pasabing sinungaban ko siya agad ng yakap. Kaya napatawa nalang kami. Haays kahit ganito sila mahal na mahal ko parin ang mga to.

"Yehey excited nakoo. Magkakaroon na tayo ng tree house." Masayang sabi ni Haizel. Para siyang bata haha.

"Maghunos dili ka nga Haizel. Para kang hindi prinsesa."

"E ano naman sayo Regie! You don't care!" Lihim nalang akong napatawa sa tinuran niya. E para kasi siyang bata kong umasta. Hindi na kaya siya bata pa.

"Oh tama na yan. Sige na magsimula na tayo. Ano ba ang gagawin natin Sap?" Bumaling sa akin si Marian.

"Uhmmm.. prinsesa Jilly pwede bang ikaw na ang Gumawa ng puno? Yung di gaanong malaki pero matibay. Yung kayang buhatin ng isang maliit na house." Sabi ko sa kanya. Kaya napatango siya at nagsimula ng palakihin ang isang halaman sa gitna.

"Ikaw naman prinsesa Flora pwede bang gumawa ka ng isang waterfall?" Tumango siya at agad na tumalikod para humanap ng lugar kong saan niya ilalagay ang waterfall.

"Prinsesa Regie gumawa ka ng ice flowers. Ikaw na bahala kong saan mo yun ilalagay." Dahil sa sinabi ko ay napataas ang kanyang isang kilay.

Light and Dark princessWhere stories live. Discover now