Sapphira POVSo ganun nga napagdesisyonan naming lahat na magbooth na nga kami. Last year kasi ay nag both rin kami pero simple lang yun. Yun bang pagpasok mo lang ay wala lang. And this time we make it magical. Yun bang pagpasok mo ay bigla kang mapapa 'wow'. bakit ngayon lang namin ito naisip?? hayss.
At lastly nag suggest rin si Jessa na may partner. Dahil mahirap kasi kapag ikaw lang ang gagawa. And and as asual partner si Jacob at si Jessa. Si Marian naman at si kuya Marlon. Si Flora at si Jilly. Si Haizel at si Regie at ang panghuli ay ako at si Nathan.
"Ayiiieeee partner daw sila ni Nathan haha." Napasimangot ako. E kasi kanina pa nila ako inaasar dahil daw kami ang magka partner ni Nathan. E ano naman ngayon? Hindi naman ako ang naka isip ng partner partner na yan!
"Tumigil na nga kayo. Kanina pa kayo ha. Ano namang kong magkapartner kami ni prinsipe Nathan ha?" Pinandilatan ko sila. Nandito kasi kami ngayon sa hq namin. Ang secret hide out namin kundi yung ginawa naming secret garden.
"Hindi mo ba alam o sadyang nag maang maangan ka lang? Kong hindi mo alam ang manhid mo lang yata." Napaiwas ako ng tingin. Alam ko naman ang pinupunto nila e. Na may gusto sa akin si Nathan. But kaibigan lang talaga ang maituring ko sa kanya. Yun lang.
"Oo alam ko okay? Pero pagiging kaibigan lang talaga ang maisusukli ko kay Nathan. Yun lang." Nangapalumbaba kong sabi.
"Ouch. That hurts." Sabi ni Flora habang sinasapo ang dibdib na para bang siya yung nasaktan. Tssk.
"Well mukhang basted na yata si Nathan ngayon. Kawawang Nathan hahaha." Sinamaan ko ng tingin si Jilly. Tela nang aasar pa ang isang to e!
"Jilly tumigil ka nga!" Pagtitigil ni Marian sa kanya. Kaya inirapan lang siya.
"Well Sap alam naman nating lahat na may gusto sayo sa Nathan noon pa man. Pero nasayo na ang desisyon kong ipagpapatuloy mo ito. Sabihin mo sa kanya ang totoo na wala kang feelings sa kanya. Dahil Sap pinapaasa mo lang yung tao." Seryosong sabi naman ni Regie. Tela may nabara sa aking lalamunan ang sinasabi niya. Pinaasa? Pinapaasa ko ba siya? Oo alam kong may gusto siya sa akin simula bata palang kami. Pero hindi ko naiisip na pinapaasa ko na pala si Nathan.
I deep sighed. "P-paano ko sasabihin? Natatakot ako. Na baka masaktan ko siya. Natatakot ako na baka mawala ang aming pagkakaibigan." Nakanguso kong sabi.
"Nasaktan mo na siya Sap. Noon pa. Tell him that friends lang talaga ang maisusukli mo sa kanya. I know he will understand." Ngayon ko lang nakita na ganito pala si Regie makipag advise. Parang may pinag dadaanan.
Pak pak pak. Napalingon kami Kay Jilly ng bigla siyang pumalakpak nag tatlong beses. "Wow ang galing mo palang mag advise Regie. Mukhang may pinagdadaanan. Teka may pinagdadaanan ka ba?"
"Hell Jilly! Wala no! Nabasa ko lang ang ganitong pangyayari sa binabasa kong book. May pagkatugma kasi." Napatango kami. Akala namin may pinagdadaanan din ang isang to e. Yes maliban kasi sa pagkabrutal nito may pagkabook worm din hilig talaga niyang magbasa. Kaya nga palaging top sa klase e. Naiingit nga ako sa kanya e kasi matalino siya. At may pagka misteryoso ring babae.
"Pero alam niyo....wala pa talaga tayong date para sa acquaintance party." Pagmamaktol na sabi ni Jilly. Napalabi kami. Oo nga. Wala pa kaming date. Bakit kaya walang nagyaya sa amin? Pangit ba kami?
"Bakit ba walang nagyaya sa atin?" Out of curiosity sabi ni Haizel.
"Baka naman nahihiya sila. Dahil mga prinsesa tayo samantalang silang ay hindi prinsipe." Napaisip ako. Mukhang may point rin naman siya.
"Mabuti pa si unggoy kong kuya may ka date na tssk!" Napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi ni Jilly.
"Baka mamaya may nagyaya na sa atin. Wag kayong mainip. Maghintay lang tayo. Kong wala talaga......edi tayo nalang magyaya." Wala pang isang segundong mapatingin kami sa kanya na hindi makapaniwala dahil sa huling sinabi niya.