Chapter 14 Roses

23 2 0
                                    

Nagising ako at nakita si Jace natutulog sa tabi ko. Narinig ko na may maiingay na padating pagbukas nila ng pinto.

"Ssshhhh!" bungad ko sa kanila.

Lumapit sila sa akin. May mga dala silang prutas at bag.

"Alam mo bang alalang alala si Jace sayo kagabi." sabi ni Kuya Sean sa akin.

"Sorry naman! malay ko bang maliligaw ako" sagot ko sa kanya

"Kamusta na princess ang pakiramdam mo. ?" tanong ni Kuya Gray sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

"Medyo ayos na naman kuya" sagot ko sa kanya.

Naramdaman kong gumalaw si Jace kaya napapunta sa kanya ang atensyon ko. Nang maimulat nya mata nya ay mukhang nagulat sya.

"Sofia ayos ka na ba? anong masakit sayo? teka tatawagin ko yung doctor." tatayo na sana sya pero hinila ko ang kamay nya.

"Ayos lang ako. Wag ka ngang OA" tumawa naman silang lahat sa inasta ni Jace. Pwera lang kay Max na mukhang asar na asar sa inasta ni Jace.

"Ahmmm Sofia eto o" sabi ni Vince at napangiti ako sa nakita ko. White roses.

"Thank you Vince!" biglang tumayo si Jace at umalis.

"Oh anong nangyari dun?" tanong ko sa kanila.

Nagkibit balikat lamang sila. Nagpaalam sila na aalis muna daw sila para kumain nagpaiwan naman dito si Vince para daw bantayan ako.

"Nagustuhan mo ba yung bulaklak?" tanong nya sa akin. Habang nagtatalop sya ng mansanas.

"Oo naman. Nakakatuwa nga at binigyan mo ako."

"Buti naman.. Sabi nga ng mga kapatid mo ay paborito mo daw iyon." sabi nya ulit.

"Haha oo nga paborito ko ang mga puting rosas da-"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang dumating si Jace. At mukhang galit pa din sya.

"Oh bro saan ka nanggaling?" tanong ni Vince

"Dyan lang." maikling sagot niya. At naupo sa sofa.

Kung anu anong pinagusapan namin ni Vince. Tuwing napapatingin ako kay Jace ay nakasimangot sya. Ano na namang problema nito sa akin? Hindi ko na lamang siya pinapansin.

Nagpaalam na si Vince na aalis na daw sya. At babalik na lamang bukas. Nakaramdam ako ng pagkaihi kaya bumangon ako. Pero ang sakit nung sugat ko.

"Saan ka ba pupunta?" halos mapatalon ako ng magsalita si Jace

"Gusto kong magbanyo." lumapit sya sa akin at inalalayan ako.

"Oh bakit umalis na si Vince?" may pagkainis ang tono nya.

"May gagawin pa daw sya e. Sayang nga at umalis na sya. Natutuwa pa naman ako sa kanya"

"ARAY!!" Bigla nya kasi akong binitawan. Hindi ako ready sa ginawa nya kaya na out of balance ako at natumba ako at tumama ang sugat ko ng malakas sa sahig. Naramdaman kong may tumutulo sa tagiliran ko.

"Tss..nageenjoy ka pala sa kanya e. Di sana hindi mo sya pinaalis at sya ang nagbantay sayo dito"

Sambit nya pero hindi sya nakatingin sa akin. Tang ina Jace tumingin ka sa akin dahil nahihilo na ako. Ang dami na atang dugong nawawala sa akin.

"J-jace"

Jace's POV

Binitawan ko sya dahil. Basta!!! naiinis ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla nya akong tinawag paglingon ko sa kanya punong puno na ang sahig ng dugo at wala na syang malay.

Damn it! Ang tanga ko talaga. Binuhat ko sya agad pabalik sa kama at saka lumabas para tumawag ng doctor. Ano ba kasing nangyayari sa akin.

"Ano bang nangyari ?" tanong ng doctor.

"Nabitawan ko po sya bigla at napatama ata po ng malakas sa sahig ang sugat nya" sagot ko sa doctor.

"Ah ganoon ba! Madaming naubos na dugo sa kanya. Kailangan natin syang salinan ng dugo"

"Sige po gawin nyo po ang kahit ano. Wag lang syang mamatay."

Umalis na yung doctor. Hanep! asar talaga ako sa sarili ko. Nang dahil sa letseng rose yun muntik ng mamatay si Sofia.

"Fuck Sofia sorry! hindi ko talaga alam. Pero sigurado ako nagseselos ako sa inyo ni Vince"

Thanks for reading

I won't give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon