Chapter 15 Tulips

24 1 0
                                    

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o totoo ung narinig ko. Paggising ko wala na dito si Jace pero may iniwan syang note.

Sofia
Sorry talaga.. Umalis lang ako sandali. Babalik agad ako. Kumain ka na ha ^_^ get well soon baby
Jace <3

Napangiti ako at parang may nagwala na naman sa tiyan ko. Kinain ko ang food na iniwan ni Jace para sa akin. Dumating sina Kuya Red at Kuya Ice dito kinumusta nila ako at nagaalala sila sa nangyari sa akin kagabi.

"Sofia babalik muna kami sa hotel ha. Pabalik na naman dito si Jace. Magpagaling ka kaagad ha" sambit ni Kuya Red at hinalikan ako sa noo. Pati si Kuya Ice ay ganoon din.

Nagbabasa ako ng isang magazine ng dumating si Jace. Nagulat ako sa dala nya. Isang bouquet ng tulips. Napangiti ako sa kanya.

"For you! Peace offering..Ito daw talaga ang favorite flower mo sabi ni Keith" napangiti ako sa kanya.

"Haha napatawad na naman kita e. Bakit mo ba ako binitawan kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Wala naasar kasi ako kagabi e ikaw ang napagbuntunan ko ng galit." sagot nya sa akin.

Naging magaan na ang loob ko sa kanya. Pwede na akong lumabas ano mang oras ngayon natutuwa talaga ako kasi hindi pa ulit kami nagbabangayan dalawa.

Inalalayan nya ako papunta sa kotse at nasa likod na ng kotse ang motor ko. Sabi nina kuya babalik na kami ng Manila. Pinakiusapan ko silang wag sasabihin kina mom na naospital ako.

"Matulog ka na muna! Mahaba haba pa ang byahe natin" sabi ni Jace. Habang iniistart ang kotse.

"Wag na. Masyadong maganda ang view para tulugan ko lamang" sagot ko sa kanya at nakita kong ngumisi sya.

Hindi ko na ipagkakaila gwapo talaga si Jace. Perfect ang lahat sa kanya. Minsan nga lang sobrang hangin nya.

"Sofia bakit hindi mo hinayaang sabihin nina Black sa parents mo ang nangyari?" tanong nya sa akin.

"Pag nalaman nila yun. Ipatatapon nila ako pabalik ng Europe. Kung dati gusto ko doon. Ngayon ayoko na. Ayokong mapalayo sa mga taong mahal ko." pati na sayo Jace. Awtsu..scratch that.

"Ah..buti naman at hindi mo sila hinayaan. Ayoko kasing malayo ka sa akin." Ano daw? ano yung sinabi nya?

May nakita akong flower shop. Kaya sinabi ko kay Jace nagusto kong bumili. Itinigil nya ang sasakyan at inalalayan nya akong bumaba.

Natutuwa ako sa ganda ng mga bulaklak. Nakita ko ang roses at tulips na magkasama.

"Oh anong gusto mong bilhin?" tanong ni Jace sa akin. Lumapit naman yung tindera sa amin. Napansin siguro nito na nakatuon ang pansin ko sa dalawang bulaklak na nasa harapan ko.

"Miss alin ba ang gusto mo? Roses ba o tulips?" tanong nito sa akin.

"Gusto ko silang parehas pero ayokong kunin sila parehas dapat pumili ako ng tama. Kung ano yung talagang gusto ko." napanganga yung tindera pati si Jace.

"Yung tulips ang bibilhin ko." nang sabihin ko yun ay biglang umaliwalas ang mukha ni Jace. Nginitian ko na lang sya. Binayadan na namin ang bulaklak at bumalik sa sasakyan.

"Ahmm..Sofia alam mo ba parang may gusto na ulit sa kin si Max!" sambit nya sa gitna ng katahimikan.

"Ha? E di ayos. "

"Oo nga e. Gustong gusto ko na ulit syang makasama." sagot nya sa akin.

Damn bakit parang dinudurog ang puso ko. What's wrong with me?

"Buti naman!" yan lang ang nasabi ko. "Sige matutulog muna ako!" sagot ko sa kanya.

Ipinikit ko ang mata ko pero hindi ko magawang matulog. Parang gusto kong umiyak. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? hindi ko dapat ito maramdaman. Isa akong Paxton, hindi ako dapat ganito.

"Sofia i like you" narinig ko yan sa gitna ng pagmumuni ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yun.

Nang makarating kami sa Manila ay iminulat ko na ang mga mata ko. Nakita ko syang seryosong nagmamaneho. Inihatid nya ako sa bahay.

"See you tommorow" sabi nya pero hindi pa din ako nababa ng kotse.

Hinalikan ko sya ng mabilis at bumaba na.

"Thank you" hindi ko alam kung galit ba sya sa ginawa ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Inalalayan nila ako papuntang kwarto.

"Magpahinga ka na. " sabi ni Kuya Black.

"Thanks." sabi ko sa kanya. Isa isa nila akong hinalikan sa noo at lumabas na sila ng kwarto ko.

Sana hindi na lang bumalik si Max. Siguro may pagasang mahalin ako ni Jace.

Jace:
Goodnight baby :)

Napangiti na lamang ako at pinilit ang sar

I won't give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon