Chapter 43

21 1 0
                                    

Maaga akong gumising dahil before 7:00 ay nasa opisina na si Ms. Carter. Nagbibihis na ako ng magising si Jenny.

"Maaga pa ah. Saan ka pupunta?"

"Ah may pupuntahan lang akong friend dito."

"Ah ganun ba. Babalik ka pa ba dito o sa building ka na didiretso?"

"Ahmm. Sa building na lang siguro ako didiretso. Baka malate pa ako kapag bumalik dito"

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at dumiretso sa building. Iilan pa lang ang mga tao. Pumunta agad ako sa opisina ni Ms. Carter.

Inayos ko muna ang mga gamit sa mesa nya. Para naman magandang tingnan ang mesa nya kapag dumating sya. Nagpunas ako ng mga furniture dito sa office nya habang iniintay sya.

"Nandito ka na pala." pinadaan nya ang daliri nya sa isang furniture at tiningnan kung may alikabok. "Good job"

"Come here. Bring this file! Sa 10th floor ang mga files na ito. Then ito sa 2nd floor, 5th floor, 15th floor naman ito. Sa secretary ng every floor mo yan ibigay. 1 hour lang ha. Bumalik ka dito kaagad."

Inunan ko muna ang 2nd floor, then yung sa 5th floor, pagdating sa 10th floor ay hindi ko kaagad makita ang secretary kaya naubos ang 30 minutes ko. Naibigay ko naman kaagad ang files sa 15th floor.

Nang pabalik na ako ay biglang na out of order ang elevator. kaya naghagdan ako. Last 15 minutes na lang ay nandito pa ako 13th floor. Nang makarating ako sa 2nd floor ay 1 minute na lang tinakbo ko ang office ni Ms. Carter. At saktong 1 second e nakita ako ni Ms. Carter.

Binigyan nya lang ako ng evil smile.

"Magpahinga ka na at magprepare magsisimula na ang training nyo."

Hingal na hingal akong pumunta sa C.R. Nagpalit ako ng damit at bumalik sa opisina ni Ms. Carter. Dumating na din naman sina Jenny.

Nagpunta kami sa field. At ipinakita nya sa amin ang parts ng field nila. At ang mga structure at machine at kung anong gagawin at kung paano ito gamitin.Medyo familiar naman na ako dito dahil mahilig akong magsearch sa internet para aware ako kapag nagtrabaho na ako.

Inaassign nya kaming lahat sa kung saan saan. Kami ni Jenny ay sa system. Ang boys naman ay naassign sa pagooperate ng mga machines.

Nageenjoy naman kami sa mga ginagawa namin. Feel ko na tuloy lalo na magtatrabaho na ako soon.

Maaga kaming nadismiss dahil madali kaming natuto. Nagpaiwan ako dahil hindi pa tapos ang duty ko sa pagiging slave ni Ms. Carter.

"Come with me. Imemeet ko sina Jamie at Jace." naexcite ako sa sinabi nya. Makikita ko na ulit sina Jace. "Pero....."

Dumating kami sa isang restaurant. At nakita kaagad namin ang mga Carter.

"Sofia?" Ate Jamie.

"I'm sorry miss but I'm not Sofia, I'm Lissa" sagot ko sa kanya. .

"Hindi ako nagkakamali. Alam kong ikaw si Sofia."

"Shut up Jamie. Hindi sya si Sofia. She's Lissa. At kung si Sofia sya bakit ko sya isasama dito?"

Habang nagsasagutan si Ate Janine at Ate Jamie ay napansin kong nakatingin sa akin si Jace.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya. Umiling lang sya at tumawag ng waiter. Umorder lang ako ng steak.

Ilang beses kong nahuhuling nakatingin sa akin si Jace. Pagkatapos naming kumain ay isinama ako ni Ate Janine sa isang bar at kasama pa din namin sina Ate Jamie at Jace.

Medyo crowded na dito sa bar. Nagulat ako ng biglang may humigit sa akin. Dinala nya ako sa labas ng bar.

"What the fuck!" singhal ko sa kanya

"You're not Lissa. Tell me Sofia. What the hell is this?"

"Letse. Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi ako si Sofia. Lissa ang pangalan ko at hindi Sofia. Sino ba yang Sofia na yan at parang napakabig deal nya sa inyo!"

"Hindi ka nga si Sofia. Dahil kung ikaw nga si Sofia e di sana umamin ka na ngayon. Dahil ang Sofia na mahal ko hindi kayang magsinungaling sa akin" sabi ni Jace. Iniwanan nya ako. At napaiyak na lang ako.

"Kung alam mo lang Jace. Gustong gusto na kitang yakapin. Pero hindi pwede kailangan kong magpanggap na ibang tao. Konti na lang Jace. Babalik na ako."

Nagtext na ako kay Ate Janine na umuwi na ako. Dahil maaga pa ako bukas. Buti na lang at pumayag sya kaagad. Ang isa sa deal namin ni Ate Janine ay magpanggap ako na hindi ko kilala si Ate Jamie at Jace.

Cruel right? Ano pa bang aasahan ko sa kanya? e sobrang ayaw nya kaya sa akin. So inasahan ko na agad na sobrang hirap ng ipapagawa nya. Kung hindi ko lang mahal si Jace. Hindi ko talaga ito gagawin.

I won't give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon