Chapter 38

36 1 0
                                    

Akala ko magiging awkward kami ni Jace dahil sa nangyari pero hindi pala. Nandito kami sa gym for some reasons. Ito daw yung pinagusapan nina Kuya kahapon sa meeting. Magkatabi kami syempre ni Jace.

"Goodmorning " bati ni Kuya Black sa aming lahat habang sya ay nasa stage. Kasama nya syempre ang iba kong kuya.

"I just want to make an announcement for our upcoming events. First,is our JS Prom the theme of this event is fairytales. You need to wear something that was connected to our theme. Second, is the Hearts Day you're going to wear something according to your status. Single, color white and Red for in relationship. Last, is the graduation of the Senior of senior high. Including me and my twin brother. Every year level are required to make a program for us. That's all thank you. The schedules of this event will be posted on the bulletin board."

At bumaba na ang kuya ko. Nose bleed naman ako sa kanya e. Hilig nya talagang magenglish. Hindi man lang nakuhang magtagalog e. Pagkatapos ng announcement nya ay bumalik na kami sa mga rooms namin.

Nauna na ako kay Jace dahil may kukunin daw sya sa tambayan. Kaya sina Keith, Kuya Sean at Max ang kasabay ko.

Nagulat ako ng may humablot sa kamay ko. Hindi ako nakita nina Max dahil sa may likod nila ako nakapwesto kanina. Kinaladkad ako ng lalaking ito. Dinala nya ako sa may likod na part ng school. Medyo malapit ito sa tambayan.

"Zai?"

Itinulak nya ako sa pader at hinawakan ang mga braso ko. Fuck! Hinalikan nya ako ng marahas hanggang sa bumaba sa leeg ko ang halik nya. Itinutulak ko sya pero di ko sya kaya. Nasira na ang damit ko. Fuck!! Sigaw ako ng sigaw. Sana dumating si Jace.

Sinipa ko sya sa ano nya at saka tumakbo kaso nahawakan nya ang paa ko. Kaya nadapa ako. Nasa ibabaw ko na sya. Damn!!! Feeling ko nadugo yung noo ko dahil sa pagkakadapa ko.

Nagulat ako ng may kumaladkad kay Zai. Akala ko si Jace pero hindi pala sila Carl pala. Inalalayan ako nina Keith at Kent. Dinala nila ako sa clinic. Dumating kaagad si Kuya Black at Kuya Gray.

"What the fuck!" Kuya Black.

"Sinong hayop ang gumawa nyan sayo?" galit na tanong ni Kuya Gray. Hindi ako makasagot dahil napaos ako sa kasisigaw kanina.

"Si Zaivelle Gray may gawa nyan sa kanya. He's a damn stupid maniac jerk." sagot ni Keith. Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto. At pumasok si Jace na pawis na pawis.

"Fuck!!" sambit nya at lumapit sa akin..

Ikinuwento nila Carl yung naabutan nila at nagaapoy na sa galit si Jace. Hindi lang sya halos silang lahat. Paano pa pagnalaman nina Kuya Thunder?

Iniuwi ako nina Kuya Gray at Black. Kasama din namin si Jace na panay ang mura. Gustong magsampa ng kaso ni Jace kaso wala pang 18 years old si Zai. Pagdating sa bahay ay agad akong dinaluhan ng iba kong kuya. At tulad ng inaasahan ko galit na galit sila.

Sinamahan ako ni Jace sa kwarto ko. Galit na galit sya kay Zai at sa sarili nya.

"Kung hindi kita hinayaang pumunta magisa sa room hindi sana ganito e. Sorry baby. Hindi na naman kita naprotektahan."

Nakita kong may pumatak na luha sa kanya kaya agad ko syang pinunasan. Napaiyak na lang din ako. Hinalikan nya ako sa noo at sinabihang matulog na daw ako.

Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog agad ako.

*******

Hindi ako nakauniform kasi pumunta lang naman ako dito sa school para sabihin ang kagaguhang ginawa ni Zai sa akin.

Nang makasalubong namin si Zai ay agad na kinwelyuhan ito ni Jace. Inawat sya ni Kuya Thunder pero nagulat ako ng biglang sinuntok ni Kuya Thunder si Zai. Tinadyakan nya ito. Binugbog nina Kuya Thunder,Kuya Ice,Kuya Sean ,Kuya Red at Jace si Zai. Bugbog na bugbog na sya. Inaawat ko sila kaso hindi ko kaya, dumating sina Carl,Charles,Kent At Keith. Akala ko aawatin nila Carl pero nakigulo din sila. Nagdatingan ang tropa ni Zai kaya sigaw kami ng sigaw ni Keith na tumigil na sila.

"STOP!!" Nagulat kami ng makita namin si Kuya Black. With his dark aura. Kasama nya si Kuya Gray, Vince at Max.

"All of you!!Go to the disciplinary office NOW!!" Umalis si Kuya Black. Magkakasama naman kaming pumunta sa office. Malas naman oh nadamay pa!!

Pagdating sa office ay nakita agad namin si Kuya Black na nakaupo at masama ang tingin sa amin. Lalo na sa apat kong Kuya. Si Kuya Gray naman ay may inaasikasong mga papel.

"Mr. Frosheign! The President will talk to you on Thursday. She's the one who will give you the punishment for the incident yesterday." Pagkatapos nyang sabihin yan ay tiningnan nya kami isa isa.

"All of you will clean the whole campus for one week. You may go! except ICE,RED,THUNDER,SEAN,SOFIA,JACE,CARL,CHARLES,KENT AND KEITH."

Paglabas ng tropa ni Zai ay halos manigas kami sa tingin ni Kuya Black. Hindi pa sya nagsasalita pero mas mabuti na ito. Baka duguin ako kapag nagsalita na sya. Mas mabilis syang magsalita kapag galit at puro english pa.

Mom and Dad help! I think Kuya Black will kill us.

I won't give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon