Chapter 25

24 2 0
                                    

"SOFIA!!" hindi na ako nagulat na yan ang sasalubong sa akin.

"What?" iritado kong tanong sa kanya

"Where the fucking hell did you go?" tanong ni Kuya Black.

Nilampasan ko lamang sya. I'm not in the mood. Ikinagulat ko ang sunod nyang ginawa. Sinampal nya ako. Napasinghap ang mga tao dito sa bahay sa nakita nila.

"Fuck!! Sofia...hindi ko sinasadya. I'm sorry!!"

Nagtatakbo agad ako paakyat dahil hindi ko akalain na mapagbubuhatan ako ng kamay ng Kuya Ko. Damn it!!

Naligo ako at nagkulong dito sa kwarto. Panay ang katok nila sa kwarto ko pero hindi ko sila pinagbubuksan. Subukan lang nilang sirain ang pinto ko at ihahampas ko sa kanila ang pinto na yun.

Isang linggo akong hindi nalabas ng kwarto. Hindi din ako napasok. Ayaw kong makita silang lahat. Dinadalhan nila ako ng pagkain pero di ko ito kinukuha.

Keith: Sofia exam na bukas. Kailangan mo ng pumasok.

Me: Okay. Bahala na kung papasok ako.

Keith: Damn!! hey Sof. I'll kill Jace kapag hindi ka pa pumasok. Mark my words. -Carl-

Napasinghap ako sa sinabi ni Carl. Inihanda ko lamang ang mga gamit ko. Kailangan ko ng pumasok dahil gagawin talaga ni Carl ang sinabi nya. He's a jerk. Wala syang pakialam sa iba.

Maaga akong gumising at hindi ako sumabay sa mga kapatid ko. Nagpasundo ako kay Charles. Alam kong galit na galit na sya kay Jace.

Pagkapark ng kotse ay bumaba kaagad ako. Tss..ang ganda ng view. Pagdaan namin sa kanilang dalawa ay nagsalita si Charles.

"Fuck!!! get a room!!"

Naging dahilan ng pagtayo ni Jace sa kinatatayuan nya. Wala naman na akong pakialam sa kanila ni Max. Kahit magsex sila sa harap ko ay hindi ko sila pakikialaman.

"Ano? Papalag ka ha?" singhal ni Charles dito. Lalong lumapit si Jace. Fuck! Jace that was a wrong move.

Agad na kinwelyuhan ni Charles si Jace. Hawak ko ang damit ni Charles para pigilan sya. Pero wala akong nagawa. Pinagsusuntok ka agad ni Charles si Jace.

Ang dami ng nagsisigawan. Dumating na din si Carl para umawat pero nauwi lang sa wala at nasuntok pa sya ni Charles.

"Tang ina mahigit isang buwan akong nagpigil ng galit. Pero damn hindi ko kaya. Wag ka ng magtanong kung bakit. Dahil baka mapatay na kita. Worthless lahat ng ginawa ni Sofia. Wala kang kwenta. Magsama kayo ng girlfriend mo."

At hinila nya ako palayo. Panay ang mura nya habang hila hila ako. Sumusunod naman sa amin sina Kent,Carl at Keith na napapasinghap na lamang.

"Tang ina Sofia!! Pag nakita ko pang natatanga ka ng dahil sa kanya hindi lang yan ang mangyayari sa kanya." pagbabanta nya. Nagkamali si Jace ng inagrabyado. Maling mali. Kung sa akin ayos lang sa tropa ko hindi.

Hindi ako pumasok sa klase ko dahil pinapunta ako ng mga kuya ko sa tambayan.

"Sofia please tanggapin mo na lang ang lahat para hindi na magkagulo" Kuya Sean

"Ano ba sa tingin nyo ang ginagawa ko?"

"Hindi mo pa natatanggap dahil nagkakaganyan ka pa." kuya Gray

"Masaya na silang dalawa. Kaya sana maging masaya ka para sa kanila." kuya Red

"Nahihirapan na din kaming mga taong nakapaligid sa inyo. Hindi namin alam kung saan kami papanig. Kapatid ka namin at kaibigan namin sila" kuya Thunder.

"Tang ina!! Hindi kayo nahihirapan pumanig dahil sa mga sinabi nyo palang sa kanila na kayo kumakampi. Tss..sino nga ba naman ako? E mas matagal kayong magkakasama. Para ngang sila yung kapatid nyo e. Hindi naman ako umaasa sa inyo pero yang marinig ang mga gusto nyo putang ina lang ang sakit!!"

Lumabas na ako at nagulat ako ng makita ko si Vince. Kitang kita sa kanya ang galit at awa.

"Oh bakit ka nandito? Pagsasabihan mo din ako? Tang ina wag na lang dahil isang salita pa lang ng mga kapatid ko talo na ako. Kaya wag ka ng dumagdag pa."

"Hindi ako nandito Sofia para pasabihan ka. Nandito ako kasi mahal kita."

Bakit nga ba hindi si Vince ang minahal ko? Sya naman ang crush ko bago ko minahal ang Ipis na yun. Gwapo,Mabait,maalaga naman si Vince. Pero bakit hindi sya? Kung sana sya yung minahal ko magkaganito kaya ako?

"Sofia bigyan mo ako ng chance na mahalin ka."

I won't give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon