Chapter 26

21 2 0
                                    

"Pero Vince-"

"Wala ng pero. Please Sofia kahit rebound lang ayos na"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon lang may nagsabi sa akin na gusto nyang maging rebound.

"Wag ka ng magisip ng sasabihin mo basta mula ngayon tayo na. Kahit one sided love lang. Hindi kita paiiyakin pangako"

Nagpatinaod ako sa hila nya. Dinala nya ako sa room namin habang nakangiti ng malapad. Ngayon ko lang ulit syang nakita na ngumiti ng ganyan.

"I miss that!" sambit nya.

"Hah?" tanong ko sa kanya.

"Your smile. I miss that. Ngayon ko lang ulit yan nakita. Sige na pumasok ka na. Ako ang susundo sayo ha! bye" at kiniss nya ako sa noo. Pumasok na ako at nakita kong nasa pintuan pa din sya. Ngumiti pa sya ulit bago umalis.

"Oh masaya ka ata?" tanong ni Keith.

"Haha! may narealize lang ako kaya ganito ako."

"Buti naman. At sana lang palagi kang ganyan."

Ganado akong makinig sa klase. Sinundo nga ako ni Vince tulad ng sinabi nya. At sinabi nya din sa mga kapatid ko na nagdedate na kami.

Kumontra pa si Kuya Ice pero pumayag naman ang iba kong kapatid. Tutal wala kaming gimik ng tropa sa gym muna ako pupunta. Nagpalit lang ako ng jogging pants isang sando.

Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Kuya Ice. Tiningnan nya lang ako saglit at ibinalik na sa ginagawa ang kanyang atensyon.

"Kung ipinilit ni Vince. Ayawan mo. Ayokong magmukhang rebound ang bestfriend ko!!"

"Hindi sya Rebound kuya. Pwede ba maging masaya ka nalang para sa akin!!"

Nilayasan ko si Kuya Ice dahil baka magaway lang kami. Paglabas ko ay sakto namang nakita ko si Kuya Gray. Nilapitan nya ako at kinausap. Ngayon lang ulit kami maguusap ni Kuya na kami lang dalawa.

"Bakit Kuya?"

"Sofia how are you?"

"I'm fine!"

"Yung totoo. Ayokong nagsisinungaling ka sa akin. Pwede mong sabihin lahat sa akin."

"Ayos lang talaga ako...Medyo hindi lang ako sanay sa sitwasyon. Kaya siguro malayo ako sa inyo ngayon. Makakaadjust din naman ako. Sana nga lang intindihin nyo muna ako."

"Basta Sofia...Wag na wag kang manggagamit ng ibang tao para lang makalimot ka. Kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ni Vince. Ngayon pa lang lumayo ka na!"

Bakit lahat sila against sa amin? Oo hindi ko pa naiibigay ang gustong pagmamahal ni Vince pero masusuklian ko din naman ito. Hindi pa nga lang ngayon.

Bumalik ako sa kwarto ko dahil ayaw ko muna silang makita. Tinawagan ako ni Vince at magdamag lamang kaming magkausap. Nagsinungaling pa nga ako sa kanya na nakakain na ako kahit sa totoo lang ay wala akong gana at mula pa kaninang umaga ay hindi pa ako kumakain.

Nang matapos kaming magusap ay may nakita akong isang message.

Jace: Stay away from Vince. Wag mo syang gawing rebound.

Fuck!!! Halos durugin ko ang cellphone ko

I won't give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon