4. Kalil & Grace

68 2 0
                                    

Title: The Man With A Fucked-Up Life
Genre: General Fiction | One Shot
«»«»«»

[Kalil Mendoza]

"No! Don't do this! Kalil, please. . ."

"Okay lang na saktan mo ako, 'wag mo lang akong iwan!"

"I love you, I really do."

"Sorry? Bakit? Ayaw mo na ba? Sawa ka na ba sa akin? Sabihin mo kung anong gusto mong gawin at baguhin ko just don't leave me, please!!"

"I'll die, Kalil."

"Hindi ko kaya. . . akin ka lang, 'di ba? So, stay with me! Don't leave me!"

"Kalil. . ."

I clenched my fists. What the fuck is she doing with that punk?! Bakit niya hinahayaang hawakan siya ng gano'n ng lalaking 'yon? Damn it! Ilang beses ko ba kailangang makita ang mga ganitong sitwasyon?!

"You know what, Mendoza? You look like a stupid stalker. Bakit hindi mo nalang siya lapitan? Stop tailing her like a dog," inis na binatukan ko si Dan na nakaupo sa tabi ko dahil sa sinabi niya.

"Wow. Hindi ako makapaniwalang ikaw pa talaga ang nagsabi niyan! Why don't you apply your advice to your pathetic love story?!"

Sinimangutan niya ako, "Grabe, wala naman kaya akong love story at kung magkakaroon man, hindi 'yon magiging pathetic you, dickhead!"

"Whatever."

Panay ang tapik ko sa manibela habang nakatitig sa kanilang dalawa na nagtatawanan habang hindi pa dumadating ang mga pagkaing inorder nila kanina. Nasa loob kami ng kotse na naka-park sa gilid ng restaurant na kinaroroonan nila.

Alam kong wala na kami pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit palagi ko siyang sinusundan sa bawat paglabas niya ng condo niya. Hindi ko siya magawang iwaglit kahit ilang minuto lang sa aking isipan Dapat nilalayuan ko na siya but I can't fight the urge to see her!

"Kalil," napairap ako nang marinig ko ang mahinang pagtawag na 'yon ni Dan.

"Ano na naman?"

"Pangit ba ako?" kumunot ang noo ko nang hawakan niya pa ang kanang braso ko. "Ano sa tingin mo?"

"Yeah," sagot ko.

Hinampas niya ang braso ko. "Anong 'yeah'?!"

I rolled my eyes. "Yeah, you're ugly as hell. A dirt."

Napasinghap siya dahil sa sinabi ko. "Tarantado ito! Hindi ko sinabing saktan mo ang damdamin ko! Gago!"

Napatawa ako ng bahagya, "Hindi ka mabiro, wala namang pangit sa samahan natin."

"So, gwapo ako?"

"I don't know."

Binatukan niya namab ako. "Ano nga?!"

"Stop acting like a girl, will you? Iwanan kaya kita dito!" I hissed.

Minsan talaga nagtataka ako kung lalaki ba talaga itong si Dan kasi minsan umaakto siyang parang babae, katulad nalang ngayon. Why the heck do he even want to know if he's ugly or not? Tanging mga babae lang ang alam kong magtatanong at kukuwestyunin ang itsura nila.

Dan just shrugged. "That's fine with me, go leave me. I'll just go to Grace and say hi to her and maybe, I'll tell her that you're tailing her every-damned-time of her day."

Nilukob ako ng kaba, "Gago! Hindi naman."

He gave me an unknowing look, "Mamatay 'man?"

Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag sirain ang mukha ng kaibigan ko. Sana pala ay si Donny na lang ang isinama ko at hindi siya! This man will always be a pain in the ass. Kung bakit ba naman siya lang ang hindi busy ngayong araw na 'to!

Calm and ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon