Prologue

23 0 0
                                    




"IVO!" Napukaw nang pagtawag ni Ched ang atensyon niya. Kapitan nila ito sa basketball team. Kasalukuyan nitong sinusulit ang half time break para magbigay ng instructions at motivations sa kanila. "Dito ka sa ibaba. Bantayan mo ang bola." Binalingan nito si Vince na pinaliligo sa katawan ang bottled water. "'Pagkatapos mong maagaw ang bola. Lipad sa ring. Hintayin mong iwan nila si Ivo. Then, pass it to him." Bumaling muli ito sa kanya. "Shoot on three, Ivo," utos nito, hindi suhestiyon. Dapat niyang gawin iyon. Inaasahan siya ng kupunan nila kahit na wala pa siyang pahinga simula second quarter. Duda siyang pagpahingahin pa siya ni Ched. Mahigpit ang laban para sa championship. And they all have no plans of losing. Matagal na sila sa trono at wala siyang balak na ipamigay iyon lalo na at huling taon na niya iyon sa kolehiyo.

Tumingala siya at kinawayan si Yna. Nasa likod lang ito ng bench nila. First row on the bleachers. She waved, smiled and mouthed at him, "Galingan mo." Hindi siya nagkamaling tingnan ito. Kailangan niya ang lakas ng loob para maipanalo ang laban.

After few minutes of seating and listening to Ched's endless enthusiasm and passion, the game resumed. Nasa kalaban ang bola.

He did as Ched instructed him. He claimed that three-point shot. Nagpatuloy ang laro at natapos ang third quarter na tatlo ang lamang nila sa kalaban.

"Hindi dapat tayo kampante," Ched was saying to them. Ngunit hindi nakatuon rito ang atensyon. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay parang biglang may kung anong kaba na lumukob sa kanya. Parang may mga matang nakatutok sa kanya. Of course, he was being silly. Lahat ng mga mata nakatingin sa kanila. But... iba e. Ang sa kanya ay kagaya niyong nakakapagpakilabot. Nagsipagtaasan ang mga balahibo niya. It was alarming. Lumingon siya sa paligid. Nadaanan ng mga mata niya si Yna na may kung anong hinahanap sa audience. Susundan niya sana ng tingin ang lahat ng nililingunan nito pero tumunog na ang buzzer.

"Let's get this," ani Ched sa kanila.



SAYING YNA is nervous was an understatement. It was more of fear. Natatakot siya para kay Ivo. Kaninang tanghali ay mayroon siyang nakita na note sa loob ng locker niya. Hindi niya mahinuha kung umaga pa ang note naroon o kaninang tanghali lang dahil hindi naman siya nagbukas ng locker simula kaninang umaga.

Nayanig ang buong pagkatao niya sa sindak nang mabasa ang sulat. Nanlamig ang talampakan niya. Nanigas siya sa kinatatayuan. Nanlalaki ang mga matang nabasa niya:

DROP THE GAME OR REGRET IT

Hanggang ng mga sandaling iyon ay kinikilabutan pa din siya sa tuwing naaalala niya ang death threat sa buhay ni Ivo. Mga letrang ginupit-gupit sa mga magazine ang ginamit upang mabuo ang mensahe. Hindi man direktang sinabi, she knew somewhere between the lines, maaaring, kung hindi man ito, ay isa sa mga mahal sa buhay ni Ivo ang tinutukoy ng sender na mapapahamak. She's his girlfriend. She could be a target. Handa ba siyang ialay ang buhay para kay Ivo? Sa totoo lang, hindi siya sobrang romantic to the point na ayos lang sa kanya na mamatay para kay Ivo. She did not want that, and she knew neither did Ivo. Hindi pa nga niya alam kung mahal talaga siya nito. Ang alam niya lang ay gusto niya ito at dapat ay magtagal ang pagsasama nila. She wanted to spend years with him. Siguro nga hanggang kabilang buhay.. pero hindi sa ngayon.

Nang mga sandaling iyon, hindi niya malaman ang gagawin. Nawalan siya ng pagkakataon na sabihan si Ivo tungkol sa note. She wanted him to concentrate on the game. Alam niya kung gaano kahalaga kay Ivo na maipanalo ang last game nito. Basketball was practically his life. It was his first love. She knew she was being careless, not to mention stupid, for not telling him about the death threat. Gusto niya nang magsisi sa hindi pagsabi rito niyon.

You talk too much for someone who doesn't want to die for Ivo, anang konsensya niya. The fact that she did not tell him anything about the threat practically meant she wanted to get hurt in his stead, right?

But this is not the time to analyze her feelings for Ivo.

Pinasadahan niya muli ng tingin ang buong gymnasium. Wala siyang makitang kakaiba. Namimilipit na ang tiyan niya sa sobrang kaba na nararamdaman. Bumabaha na yata sa loob ng doll shoes niya sa sobrang pagpapawis ng mga paa niya. Pati mga kamay niya ay pawisan na rin.

"God, Ivo," she whispered. Ano ba ang dapat niyang gawin? Where was the guy? Or girl.. whatever. She needed to find something.. anything.. that might post a threat to Ivo! Napaisip siya. Maaaring hindi sa gymnasium gawin ang threat at pagkatapos na lamang ng laro because malaki ang tendency na mapagbintangan ang kalaban. But what if it's not the other team who wanted Ivo dead? Maraming kalaban ang pamilya nito sa business. She knew some businessmen who play dirty just to get what they want. Posibleng gustong palabasin ng mga iyon na ang kalaban na team nila Ivo ang may kagagawan ng "threat". It would be safer if she stays alert. Baka sa isang iglap, mawala ang lahat. She did not want Ivo to lose all his dreams just because of her stupidity of not telling him about the note.

"Shit. Ang bobo ko," paninisi niya pa sa sarili.

Tumayo na siya para tingnang maigi ang gym. And a glimpse of sunlight caught her eye. No. It's not sunlight. Ibinalik niya ang mga mata sa nakita. Tama siya. It's not sunlight. Nang tingnan niyang maigi ay reflection lamang iyon. Nagmumula iyon sa bintana ng gym. Iyong parteng wala ng jalousie.

Huh?

Wait.

There was something wrong. Kung wala iyong salamin, then, why was there a reflection?

She squinted, trying her best to see the impossible.

"Last two minutes!" Sa sobrang kaba at oblivious sa surroundings ay napaigtad siya sa announcer. When she returned her eyes to the arts building rooftop kung saan nagmumula ang nakasisilaw na liwanag ay nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan.

Her first tendency is to search for Ivo. Naka-standby lang ito sa kabilang side ng court. She knew what he was doing. He was deceiving the opponent by playing loser. Pero siyempre may nakabantay rin dito. Ang kaso kampante ang nakabantay. Hindi nagigirian ang mga ito and that was what making the situation hard. Ivo had clear shots.

She checked the time, eleven seconds left. Si Taz ang may hawak ng bola.

The fans started counting out loud. Dumadagundong sa buong gymnasium.

"Ten!"

She looked back to Ivo. Her mind was racing.

He ran at the side of the half court near her. "Seven!"

Ipinasa ni Taz ang bola rito. He was on two. He glanced at her and winked. He faked a shot.

"Three!"

She knew he would be moving back on three.

Napalingon siya sa arts building. She had no time.

"Two!"

One last shot of Ivo and he will be dead.

No, she could not allow that to happen.

And so without second thought, she jumped and ran towards him.

"One!"

HISTORY REPEATS ITSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon