4

8 0 0
                                    


PAST DAYS were like hell to Yna. Ang unang dahilan niya kaya siya kumuha ng medisina ay upang makatulong sa lahat ng batang may sakit, mahirap man o mayaman, may ngipin o wala. Alam niya na, sa simula pa lang, mahirap na trabaho ang pinasok niya as an abused joke says, "doctors buried their mistakes." Mataas ang iniatang na responsibilidad ng lipunan sa mga kagaya niya na alagad ng medisina at sa uri ng trabahong pinasok niya expected niya na dapat na hindi lahat ng pasyente nabubuhay. Kaso mahirap din pala. Para lang iyong exams sa calculus na kahit handa at expected na may exam ng Monday, nahirapan pa rin sa pagsagot. Ang ending ay lagapak na grado. Kagaya na lamang kahapon nang maisipan ng isang nurse na um-absent kahit nakatoka itong assistant ni Dr. Manzano sa operating room. Due to lack of human resources, siya ang humalili sa pala-absent na nurse. Everything was ready. Everything was perfectly fine. Successful ang operation. Sumama pa siya sa paghatid sa pasyente. Ang akala niya ay ayos na ang lahat pero at the very moment the patient laid on bed, he had a cardiac arrest.

Ayaw niya nang isipin ang lahat ngunit kusang tumatanaw ang alaala sa kanyang balintataw. Para iyong pinilakang tabing na bumubukas sa tuwing pumipikit siya. It's not everyday that she would see a person die in front of her very eyes.

Ngayon nga na kahit ang sarap titigan ng bundok Makiling ay hindi niya magawa. Hindi siya makapag-concentrate sa pagmamasid ng mga dinadaanan nila patungong San Pablo kung saan sila magsasagawa ng medical and dental mission which was Oplan:LAKI. Programa iyon na in-organisa ng mayor ng lungsod. Magbibigay sila ng libreng medical at dental check-ups, libreng gamot at libreng turok ng Vitamin A para sa mga bata.

"Lagi kang lutang," ani Frida na katabi niya sa coaster.

"Huwag mo isipin 'yon mahal ka no'n," ani Marko na nag-volunteer na maging driver nila para makatipid sa expenses.

"So feeling mo ikaw ang iniisip ng lola ko? Masakit umasa, pare," buong taray na sabi ni Frida rito.

She just smiled at the two's verbal war. Masyado siyang pagod para magpaliwanag. She was too restless.

"'Wag kang kumontra kung ayaw mong patulan kitang bakla ka," birong-seryosong banta dito ni Marko.

"Hoy! Hindi ako pumapatol sa hindi lalaki, and for the record, hindi ako bakla!" True to her words, bakla man sa pandinig ang pangalang Frida, babaeng-babae ang co-nurse niya, sa isip, sa puso at sa gawa.

"Hindi bakla," Marko mimicked.

Matapos ng ilang oras na pagtitiyaga sa bangayan ng dalawang in denial love birds, sa wakas ay narating rin nila ang barangay sa dulo ng San Pablo. Kagaya ng inaasahan niya, hindi isang tipikal na probinsya ang lugar na iyon. Hindi gawa sa pawid ang mga bahay. Every house was concrete. There were those that were two stories high and those that were bungalows. Ang kaibahan lamang niyon sa bahay ng mga mid class na tao sa Maynila, she could see from the windows the houses had the provincial appeal. Pulang sahig na pinakinis ng floor wax at mga maninipis na kurtina. From outside she could tell, the house was cozy.

After several seconds of stopping by at the barangay hall, nag-convoy sila. Coaster rin na kagaya sa kanila ang sinakayan ng mga doctors. Iyon ang nauna sa kanila. Tinumbok nila ang sa hinuha niya ay ang dulo ng mismong barangay. Konti lamang ang mga nakatirik na bahay roon, but it was a strategic place for it was a straight ahead walk. Folks would not get lost easily and so were them.

Kaso nga lang medyo liblib yata ang lugar nila. Sa dako pa roon kasi ay gubat na ang natatanaw niya. Tulog-manok pa naman siya. Tiyak mahihirapan siyang matulog mamayang gabi. Dalawang araw pa naman ang kawanggawa na iyon. Ibig sabihin, isang gabi siyang walang maayos na tulog. Kunsabagay, kailan ba siya nagkaroon ng maayos na tulog? Sa klase ng trabaho na mayroon siya, himala ng maituturing ang makatulog ng pitong oras ng hindi naiistorbo.

HISTORY REPEATS ITSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon