1

13 0 0
                                    


I'LL BE FINE, konsola ni Yna sa sarili habang nakatitig sa tulips na dinala niya.

Masaya ang mabuhay. Isa iyon sa mga napagtanto ni Yna lalo na nang matapos niyang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa kanyang buhay. Iyon din ang dahilan kung bakit makailang beses man siyang madapa ay tatayo pa rin siya. Iyon marahil rin ang dahilan ng mga nakararami. Na kahit ilang beses silang mabigo ay patuloy pa rin sila umiibig muli. It was happy to be in love kahit sa dulo niyon ay mawawala rin lang ang lahat. Kapareho ng dahilan kung bakit pilit na nabubuhay ang isang tao kahit alam nitong sa huli ay mamamatay rin ito. Everything had its own ending. Lahat ng tao ay namamatay. Lahat ng tao ay kinukuha ng Maykapal kaya dapat niyang tanggapin ng buo na wala na ang isa sa pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay. Hindi naman importante ang kung nandiyan siya sa malapit o malayo, kundi kung ano iyong naiambag niya sa buhay mo, hindi ba?

It is great to live with a reason. That realization made her sigh.

She's a medicine student. At plano niyang maging isang Pediatrician. Wala siyang balak ni sa hinagap na bitiwan ang sariling pangarap upang i-take over ang business nila. Her family owned a butterfly farm in Bulacan. Pinakiusapan niya ang Mommy Zen niya na hayaan na lamang siya kahit pa alam niyang walang ibang mag-mamanage ng farm nila kundi siya. She's adamant to reach her dream. To be her own woman. She thanked God He gave her Mommy Zen because her mother understood. Ibinigay nito sa kanya ang susi ng town house nila sa Quezon City upang doon siya manatili. Sa St. Jude University niya napiling mag-aral ng medisina.

Napangiti siya sa alaala. Saksi siya kung paano nagsumikap ang sumalangit niyang ama sa pagpapalago ng farm. Ilang beses nang nalugi iyon o di kaya ay inilipat ng lokasyon. Mabuti na lamang at, unlike his father, hindi iyon tuluyang nawala. Awa ng Diyos, naging permanente iyon sa Bulacan. Ang akala niya noong una ay tapos na ang family crisis nila ng mga panahong iyon. Ngunit wala pang isang taong naitayo roon ang farm ay nagpaalam na nga sa mundo ang kanyang ama. Labindalawang taong gulang pa lamang siya nang mga panahong iyon. Kaya walang ibang pagpipilian si Mommy Zen kundi iwan ang masayang buhay ng pagiging isang ulirang may-bahay upang maging isang negosyante. Simula noon ay naging vocal na ito na siya ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ng mga ito. Ngunit ano manng banggit, pasaring, parinig o pangongonsensiya  ng kanyang mommy noon, wala sa business world ang puso niya. Siya ay anak ng Siyensya. Medicine ang isinisigaw ng puso niya. Ang pagtulong sa mga batang nagkakasakit at sa mga magulang na walang pambili ng gamot  ang calling niya. Naroroon ang simpatya niya at wala sa isang negosyong kahit bumuhay sa kanya ay hindi napamahal ng lubusan sa kanya.

Ang lahat ng iyon ay nanumbalik sa kanyang isipan dahil sa ambience ng lugar at dahil sa kintatayuan niya mismo. Aalis na sana siya when her cellphone rang.

"Yes, 'My?"

"Alynna, nasaan ka ba? Akala ko dadaan ka dito sa bahay?" ani ng mommy niya sa kabilang linya.

"I'm on my way. Dumaan lang ako sa puntod ni Dad."

Tinapos niya ang tawag at nagpaalam na rin sa Daddy niya. Lumabas siya ng cemetery at pumara ng tricycle.

"Barangay Bulan po," aniya sa drayber.

Ambience pa lamang, malaki na ang pinagkaiba ng Bulacan sa Metro Manila.

Magsasampung taon na siya sa mausok na mundo ng Metro Manila. So far ay wala pang manggagantsong nakabibiktima sa kanya sa Maynila. Tahimik ang naging buhay niya bilang isang estudyante. Paminsan-minsan ay bumibisita siya sa mommy niya sa Bulacan. Habang tumatagal ay nadarama niyang unti-unti na itong nakaka-move on sa ginawa niyang pagtalikod sa responsibilidad niya sa kanilang pamilya.

HISTORY REPEATS ITSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon