6

9 0 0
                                    


"OKAY KA lang ba?"

Buhat sa inaayos na mga excess masks ay nilingon ni Yna si Frida na nasa kanyang kanan. Nag-aayos naman ito ng mga sumobrang packed cotton balls sa isang kahon.

"Mukha bang hindi?" She tried making her voice sound enthusiastic. Hindi siya gasinong nakatulog kagabi. At ang dahilan ng lahat ng iyon ay nasa hindi kalayuan lamang at nag-aayos ng mga boxes na sa pagkaka-alam niya ay mga gamot ang laman. Out of way kasi ang barangay clinic kaya dadalhin ng mga ito iyon bago umalis ang staff para na rin magkaroon ng supplies ang barangay.

"Oo. Namumutla ka. Hindi ka yata nag-almusal," sabi pa nito.

"Hindi nga. At hindi rin 'yan nag-lunch!" sigaw naman ni Marko na katulong ni Ivo sa pagbubuhat.

Lalo niyang nakumpirma na dinig nga ang usapan nila ni Frida sa kinatatayuan nito.

"Bakit?" magkapanabay na tanong nina Frida at Ivo. She tried hard not to look at the latter. Although, expected niya na magtatanong din ito, it was still hard to ignore the hint of concern in his voice. Or was she just exaggerating things? Baka iyon lang talaga ang gusto niyang malaman, na concern ito kaya iyon ang naririnig niya kahit in reality, it was just a pure curiosity in his part.

Whatever. Imbis na sumagot ay kumuha siya ng isa pang empty box at nagsulat roon ng SRYNGE in bold letters. Dadalhin rin ang mga sumobra niyon sa barangay clinic.

"Ay! Deadma ang beauty natin," ani Frida kay Ivo.

"Siguro puyat ka din," ani Marko sa kanya na hindi pa nakontento sa pagbubuking sa kanya. May hinala siya na nagpaparinig lamang ito kay Ivo, as if maaapektuhan ang huli sa paraan na nais nitong mangyari.

"Bakit?" Si Frida lang ang nagtanong. Kay Marko ito humarap. Nadala na siguro na ma-deadma.

"E, makatabi ka ba naman. E, di hindi nga 'yan makakatulog."

"Bakit, nakatabi mo na ba si Frida sa pagtulog?" tanong ni Ivo rito. He was grining. And she could not help but look. Pero nag-iwas din siya nang makitang nakatingin sa kanya si Betty na nakatayo lang at wala yata ni katiting na planong tumulong.

"Oo naman!" pagmamalaki pa nito, ignoring Ivo's malicious intent of questioning. "Magkaklase kami niyan noong college."

"So?" sabad ni Betty.

Marko grinned. "Amin na lang iyon ni Frida." Bumaling ito sa katabi niyang no-comment ang drama. "'Di ba?"

"Si Yna talaga ang topic dito, e," sa halip ay sagot nito.

Si Marko lang ang natawa sa kanila dahil ito lang ang nakakaintindi ng mga pangyayari.

Ang totoo niyan hindi talaga siya nakatulog. But it was not about Frida though talagang malikot ito matulog. She could just transfer to another bed if she wanted to. Pero hindi niya ginawa dahil alam niyang hindi rin talaga siya makakatulog. Hindi siya dinalaw ng antok. And the reason for that was the event last night. Tama bang nagpayakap siya kay Ivo? It felt so right yet she knew something was really wrong. She just could not point a finger to what-is-it. Pero magkagayon man, she knew it was not about the past. Sa yakap ni Ivo, nalaman niyang ayos na ang lahat sa kanila. His gesture told her that they had already forgiven each other, that they should move on, that they should give themselves a chance to free themselves from the past. And if that was what his gesture telling her, then, she should feel likewise. Dapat niya na rin sigurong ipakita rito na maayos na ang lahat sa kanya. They had the possibility of becoming friends. Panahon na siguro para kalimutan niya ang nakaraan. Yeah. As if she really had forgotten about it? Hindi ba't iyon din ang akala niya noon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HISTORY REPEATS ITSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon