2

7 0 0
                                    


MULA SA pagkakatingala sa kisame habang nakapangalumbaba sa pen ay napalingon si Yna sa tumawag.

Nasa library siya ng mga sandaling iyon. Student assistant siya ni Ms. Nova––na tinawag na Ms. Nova hindi dahil Nova ang pangalan––Lydia ang pangalan nito––kundi dahil kahawig nito ang artistang si Nova Villa. Duty niya tuwing vacant period which was from 1 PM to 4 PM.

Napalingon siya sa sumigaw hindi dahil sa pangalan nito ang tinawag niya. Lalong hindi dahil sa sasawayin niya ito sa ginawang pagsigaw habang nasa loob ng library. Napatingin siya sa sumigaw dahil ang boses na iyon ay pagmamay-ari ng crush niya. Na walang iba kundi ang moreno member ng very famous basketball varsity sa St. Jude University––si Vince Soriano.

"Sorry," anito nang makitang lumingon siya. Nasa harap mismo ito ng desk na kinaroroonan niya. Marahil ang akala nito ay sisitahin niya ito. "Tinawag ko lang si Ivo. Bingi, e."

"Hindi ako bingi, 'no?" anang lalaking sa pagkakaalam niya ay si Ivo nga. According to chismax ng mga babae at mga bading sa campus nila, teammate at matalik na kaibigan ito ng mahal niyang si Vince.

Nakalapit na ito sa kanila. "At saka bakit ka ba nag-so-sorry d'yan? Obvious naman na lumingon 'yan dahil narinig ang pangalan ko."

Napanganga siya sa harap ng dalawa. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, ha! Sino ba ito sa akala nito? Baka isipin pa ni Vince na totoo ang sinasabi ng bestfriend nito.

"Ang kapal 'ka mo ng tibatib mo. Dehins kita type, 'no!" singhal niya rito. Napalingon ang lahat ng nagbabasa, nagchichikahan at naglalampungan sa kanila. Pati mga natutulog yata ay nagising niya.

Natawa si Vince. At halatang nainis si Ivo sa ginawa niya.

"At ang library ay para sa mga nag-aaral, hindi sa mga makakati!" Diniinan niya talaga ang huling salita upang pasaringan ito. Hottest chismis lagi sa campus ang ginagawang milagro ng herodes na makapal ang apog. Lahat yata ng estudyante ng SJU ay alam ang reputasyon ng infamous member na inaaway niya ng mga sandaling iyon. Babaero ito, higit pa sa kahulugan ng mismong salita. Lahat na yata ay pinatulan nito basta nakapalda! At ang latest chismis pa, pumatol daw ito sa bakla!

"What did you just said?" inis na tanong nito sa kanya. Binubulyawan na siya nito. Napaka-ungentleman! "Ano bang tingin mo sa sarili mo? Sino ka ba sa akala mo, ha?"

Inawat ito ni Vince. Pero wala siyang pakialam kahit abot hanggang OSASS ang sigawan nila. "Ikaw ang kung anong tingin sa sarili mo! Sino ka ba rin sa akala mo, ha?" Que isa sa mga nagmamay-ari ng SJU ang pamilya nito, akala ba nito ay aatrasan niya ito? Never siyang paaapi kahit kanino! Hindi siya boba para magpa-api. Matalino siya!

As if to made the "bulyawan portion" stopped, dumating si Ms. Nova. "What's the commotion here all about Mr. Santillan?" baling nito sa lalaki.

Lihim siyang napangiti. She was so sure Ms. Nova was on her side. Sino ba namang kakampi sa isang lalaki na kahit Daddy nito ay galit dito dahil sa pagiging babaero? Alam iyon ng lahat ng tao kahit sa labas ng campus. The guy was always on morning paper creating scandal for his own family. And of course, if his father did not trust him a bit, his credibility with other people was down to zero.

"Nothing." Ni hindi nahiya kay Ms. Nova, pinukol siya ng nagbabantang tingin at taas-noo pang lumabas ng library.

"I'm sorry about Ivo," ani Vince sa kanya bago ito umalis.

Parang bulang naglaho ang inis niya. It was enough to make her day.

"LOOK WHAT you did this time, Ivo!"

HISTORY REPEATS ITSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon